Andito ako ngayon papasok sa isang malaking kompanya.
"Sino po sila ma'am?" Tanong sakin ng appointment manager.
"I want to talk to Mr Laurus" sabi ko.
"Sino po ba kayo ma'am? Papagawan ko po ba kayo ng appointment today para pwede po kayong bumalik later? Busy pa po kasi si sir" sabi niya.
"No I want to talk to him now" madiin kong sabi.
"Amh hindi po talaga pwede, sino po ba sila?" Tanong niya kaya napabuntong hininga naman ako.
I think gagamitin ko muna si daddy para makapasok ako sa loob at makausap ang lalaking iyon.
"I am the daughter of Mr Fwenza, and I am here to talk to your boss because my father asked me to tell him something about the new project that they want to progress" sabi ko.
"Ay sorry po ma'am ha, akala ko po kasi ay isa na naman po kayo sa mga flings ni sir, sorry po talaga. Sige na po pumasok na po kayo nasa last floor po ang opisina ni sir" sabi niya kaya tumango naman ako.
"Thank you" sabi ko.
Agad akong sumakay sa elevator at priness ang 234th floor.
Ganyan ka taas ang kompanyang ito na kasing tingkad din ng kasikatan nito sa buong mundo. Well hindi na ako magtataka dahil ang kompanyang ito ay pagmamay ari ng 1st billionaire and a successful tycoon named Demzo Laurus. He's a good looking person also na hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat at isa ako sa mga taong yun. Marami ding natatakot sakanya, but I am not here para makipagflirt sakanya nor magpatakot sakanya. I already have a husband.
And I am here para pakiusapan siya na hayaan nalang ang asawa ko.
Why?.
Well isa lang naman ang pulot dulo ng lahat, at yun ay ang asawa ko na kumabit sa asawa niya na ngayon ay patay na because of him. He loves his wife pero dahil nagtaksil ang asawa niya ay pinatay niya ito kahit mahal na mahal niya ito. Hindi na din ako magtataka kasi isa din sa definition ng characteristic niya ang pagiging heartless. He's powerful hindi lamang sa larangan ng negosyo at sa pera na meron siya, kundi dahil isa din siyang Mafia boss. Kaya naman ay masasabi ko talagang kinakatakutan siya kasi katakot takot naman siyang tao.
Miski ako natatakot sakanya pero dahil gusto ko na din matapos ang lahat ng ito ay kailangan kong magmatapang makausap lang siya.
Nang makarating na ako sa opisina niya ay pumasok muna ako sa loob ng opisina niya, wala kasing sumagot nong kumatok ako. I think nasa meeting pa siya ngayon kaya aantayin ko nalang siya.
*Sigh*
Kaya mo toh Frans, para sa kalayaan ng asawa mo or Vince's life.
Napatulo luha ako ng maalala kona naman ang mga nangyayari saamin ng asawa ko. I love him pero pagod na ako sa mga panloloko niya sakin. Gusto ko siyang hiwalayan kaso naaawa ako sakanya sa maaaring mangyari.
Hindi kasi sigurado si Mr Laurus na ang asawa ko ba talaga ang kabet ng asawa niya so he couldn't just make a move and kill my husband in an instant. Higad din kasi yung asawa niya kaya maraming lalaking pinapatulan at isa na ron ang asawa ko na hindi man lang pinalampas. Gusto kong magpasalamat kay Mr Laurus dahil pinatay niya ang kutong lupang babaeng iyon pero ayoko namang maging harsh.
Isa kasi ang asawa ko sa mga pinagsususpentsahan niya na kabet ng asawa niya pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang nakalap na ebidensya. Inferness sa lalaking yun na kahit ang sama ng ugali niya ay makatarungan pa rin siya kung papatay ng tao, hindi siya pumapatay ng basta basta, lahat ng papatayin niya ay talagang dapat na may malalim na dahilan kung bakit niya iyon papatayin. Pinapapatay niya din kasi lahat ng naging kabet ng asawa niya so technically, my husband's life is not safe.
So iyon na nga pinagsususpentsahan ni Mr Laurus ang asawa ko na kabet ng asawa niya which is totoo naman. And in order para makasigurado siyang totoo ang hinala niya ay hinihintay niya kami ng asawa ko na magdivorce dahil sa oras na magdivorce kami ay ibig sabihin nun ay totoo ang hinala niya. At kapag napatunayan niya na ang hinala niya ay totoo, he would instantly kill my husband which is somewhat one of the reason kaya hindi ako ngayon pinapakawalan ng asawa ko kahit na ilang beses na niya akong niloko.
Because evertime na gusto kong makipagdivorce sakanya ay lumuluhod siya sa harapan ko at magmamakaawa sakin tapos bubuo ng pangakong hindi naman niya tinutupad. Mahal ko siya pero sawa na ako. But I don't want to end this brutally, ayokong matapos kami ng may mamamatay saaming dalawa. That is why andito ngayon sa kompanya ng asawa ng kabit ng asawa ko para makiusap rito for the safe of my husband's life.
"Who do you think you are to make my office as your comfort place?" Malamig na tanong ng kung sino sa likod ko kaya agad ko namang pinunasan ang luha ko at hinarap siya.
"Good afternoon Mr Laurus, I'm Franciska Hudson" pakilala ko.
"You are the wife of that scumbag huh? How dare you come to my company?" Malamig na tanong niya.
"Gusto ko lang makausap ka tungkol sa mga asawa natin" sabi ko na ikinakunot noo niya.
"Speak" sabi niya.
"Aaminin kona sayo, my husband is one the affair of your dead wife, pero hindi ko ito sinasabi para ilaglag ang asawa ko" sabi ko kaya napacross arms naman siya.
"You love your husband that much huh?" Tanong niya.
"Oo mahal na mahal ko siya pero pagod na ako sa paulit ulit niyang panloloko sakin kaya gusto ko na ring makalaya sakanya. Pero bago ko yun gagawin ay gusto ko munang masigurado ang kapakanan niya dahil alam kong sa oras na maghiwalay kami ng asawa ko ay mapapatunayan mo na tama ang hinala mo na isa ang asawa ko sa mga kabet ng asawa mo. And if that happens, papatayin mo ang asawa ko" sabi ko.
"Are you begging me for his useless life?" Tanong niya.
"Gagawin ko ang lahat para sa kapayapaan ng lahat, anong gusto mo? Lumuhod ako sa harapan mo? Gagawin ko" sabi ko kaya napasinghap naman siya.
"Tsk, what if I say that I want you in my bed?" Tanong niya na ikinakuyom ng mga palad ko.
"Wala kang karapatang bastusin ako" nakatiim bagang sabi ko.
"But that's what I want you to do" sabi niya.
"Hindi ako tanga para paniwalaan ka, at saka hinding hindi ko ibibigay ang sarili ko sayo noh, kahit ikamatay ko pa" sabi ko at tinalikuran siya.
"Even though your husband will die?" Tanong niya kaya napahinto naman ako.
"Look Mr Laurus, ni miski sa asawa ko hindi ko binigay ang katawan ko, sayo pa kaya na wala namang ambag sa buhay ko? Pareho tayong nagmahal at nasaktan Mr Laurus, pero ang pinagkaiba lang ay pinatay mo ang asawa mo at ako naman ay ayokong mamatay ang asawa ko" sabi ko.
"So?" Tanong niya.
"Isa lang ang hinihingi ko sayong pabor, at yun ay ang siguridad ng buhay ng asawa ko dahil gusto ko ng makalaya sakanya, pagod na akong magpaloko sakanya and I want to divorce him. Huwag kang mag aalala dahil babawi ako sayo ng makatarungan at hindi kabastusan" sabi ko.
"Then fine, be my wife instead" sabi niya na ikinanlaki ng mga mata ko.