Chapter 27

1K 21 0
                                    

"And why would they sue me? Ano namang kasalanan ko?" Tanong ni Michael.

"What your doing right now is perverting. Harrasing or raping is done by a pervert, aren't you aware of that?" Tanong ni Demzo.

"So makakasuhan ako sakadahilanang uminom ako sa drink ng isang babae? Hindi ako makapaniwalang may ganong klaseng batas" sabi ni Michael.

Oo nga. Wala naman ah. I graduated in law course at sa taong nag aaral ako ay hindi ko pa iyon nabasa o nakatagpo. O baka naman namiss ko lang? O baka naman gawa gawa niya.

"Wag ka na nga lang uminom" sabi ko kay Michael.

Nagpukos nalang ulit kami sa pinapanood naming horror movie kung saan ay sa sobrang nakakatakot na part na kaya napahawak naman ako ng madiin sa drink ko.

"You like watching horror movies yet you're even a scaredy cat" sabi ni Demzo.

"Asawa ka niya pero wala kang alam sakanya? Tsk wala ka palang kwenta kung ganun" sabi ni Michael kaya sinamaan naman siya ng tingin lalo ni Demzo.

"Tumigil na nga kayo, hindi na kayo nakakatuwa ha. Kanina pa kayo nag aaway can't you just cooperate? Kasi nakakairita na" inis na sabi ko sakanila.

"Sorry na babygirl, iyang asawa mo kasi eih nakakainis, bakit kasi sinama mo pa yan?" Tanong ni Michael.

"Siya ang nagpumilit" sabi ko.

"We have a deal, she can only go out without her bodyguards but she'll bring me instead" sabi ni Demzo.

"Mas matitimpian ko pa kung puro bodyguards mo lang ang kasama mo kesa sa lalaking iyan" sabi ni Michael kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Demzo.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Nagseselos kasi ako baby girl" nakapout na sabi ni Michael na ikinakunot noo naming dalawa ni Demzo.

"Bakit ka naman magseselos?" Tanong ko.

"This is our day, nasaakin lang dapat ang atensyon mo" sabi niya.

"Tsk" singhap ni Demzo.

"Aishhh tara nanga lang" sabi ko sabay lakad na.

"Tamo nang iiwan, bahala ka jan dito lang ako" parang batang sabi ni Michael.

"Halika na" sabi ko.

"Ayoko" sabi niya.

"Sige na, halika na" yaya ko sakanya.

"Hindi ako aalis rito hangga't hindi mo hinahawakan ang kamay ko" sabi niya sabay cross arms.

"Haysss" buntong hininga ko at linapitan siya.

*Bogsh*

"What the heck, why did you do that?" Inis na tanong ni Michael kay Demzo habang nakaupo sa sahig pagkatapos siyang sinipa ni Demzo.

"Hurry up slow ass" sabi ni Demzo bago dumiritso sa paglalakad.

"Aish, nakakairita" inis na sabi ni Michael sabay tayo na kaya nilapitan ko naman siya.

"Okay kalang?" Tanong ko sakanya.

"Nakakainis na talaga iyang epal mong asawa" inis na sabi niya.

"Puro ka reklamo, hindi pa nga nagkakalahating araw na nakasama mo siya nagrereklamo kana. Ako nga na mag iisang buwan nang kasama siya napagtitimpian parin siya pero ikaw hindi? Ang weak mo, tara na nga" sabi ko.

"Baby girl what happened to you? Ikinasal ka lang sa lalaking iyon naging ganyan kana. Nahahawa kana ba sakanya? Aishh bad influence talaga ang lalaking iyon" inis na sabi niya kaya napairap naman ako at nauna ng maglakad.

Mahaba ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa Enchanted Kingdom. Nang makarating naman kami ay agad na naming ipinakita sa guard ang ticket namin ni Michael.

"Sir ticket niyo po" sabi ng guard kay Demzo pero hindi ito nakinig at nagpatuloy ng maglakad kaya pinigilan naman siya ng guard.

"Let me in" malamig na sabi ni Demzo kay manong guard kaya napalunok naman ito dahil sa itim na aurang ipinapalabas ni Demzo.

"Sir bawal pong pumasok ang walang ticket. Kung gusto niyo pong pumasok bumili muna po kayo ng ticket dun, pumila nalang po kayo para walang gulo" sabi ng guard.

"Ah eh, mas mabuti pong papasukin niyo nalang po siya para hindi napo magkagulo" sabi ko.

"Hindi po talaga pwede, kasamahan niyo po ba siya ma'am? Pwede po bang kausapin niyo po ang kasama niyo" pakiusap saakin ng guard.

Gosh hindi ba nakikilala ni manong kung sino ang kinakausap at pinagbabawalan niya? Siya lang atah ang kilala kong tao na hindi nakakakilala kay Demzo eih wala naman siyang takip sa mukha.

Lahat ng tao ay nakatingin saamin at halata naman na kilala ng lahat kung sino si Demzo at tanging itong si manong lang ang hindi nakakakilala kay Demzo.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon