Chapter 7

1.5K 28 0
                                    

"Hindi ko kailangan ng pera mo kasi may sarili akong pera. At saka akala ko ba wala kang pakealam sa buhay ko? Kakasabi mo lang kanina 'why would I give a damn of your life?' blah blah blah" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

"What I hated the most is repeating my words and mocking me. I already told you earlier that as your soon to be husband, that's my part" sabi niya.

Aishhh, I give up.

"Okay fine" inis na buntong hininga ko sabay pirma ng marriage contract at ibinigay ito sakanya.

"Good" sabi niya.

"Aalis na ako, may sasabihin kapa bang iba kasi nakapagdesisyon na akong ayokong makita, marinig, at makaharap ka ulit ngayong araw" nagtitimping sabi ko.

"Nothing" sabi niya.

"Good, then goodbye" sabi ko sabay talikod sakanya.

Nang makauwi na ako ay dumiritso ako sa kwarto ko para makapagpahinga kasi napagod ako kakatimpi sa existence ng lalaking iyon. Aishhh I really hate that guy.

Oo nga pala hindi kopa pala nasabihan sina mommy and daddy tungkol rito. Aishhh pagod pako.

Humiga ako sa kama ko at napatingin sa kesame. Napatulo ang luha ko ng muling magbalik saaking isipan ang nakaraan.

*Kring kring*

(Demonyo calling)

"Ano ba? Diba kakasabi ko lang sayo kanina na ayokong makita, marinig, at makaharap ka ulit ngayong araw" inis na sabi ko.

"I just want to inform you that I will fetch you tomorrow so pack your stuff" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"At bakit?" Tanong ko.

"You'll live in my house" sabi niya.

"Bakit bukas? Hindi ba pwedeng sa makalawa nalang?" Tanong ko.

"And why?" Tanong niya.

"Hindi kopa napaalam sa mga magulang ko ang tungkol rito" sabi ko.

"I'll tell them tomorrow" sabi niya.

"Aishhh ngayon ko nalang nga sasabihin. Tapos kana ba? Ibababa kona" inis na sabi ko.

"Done" sabi niya kaya agad ko namang ibinaba ang tawag.

Bwesit.

*Kring kring*

(Demonyo calling)

"Ano na naman ba?" Tanong ko sakanya.

"10 in the morning" sabi niya.

"Yun lang? Pwede mo namang itext nalang iyon, hindi ba talaga malinaw sayo? Ayaw kitang makausap buong araw" inis na sabi ko.

*Toot toot*

Woah, binabaan ako ng tawag, walang galang tsk.

*Kring kring*

(Demonyo calling)

"Parang awa muna patahimikin muna ang buhay kong t*ngina ka!" inis na sigaw ko.

"Tsk, your bag idiot, you left it in my office" sabi niya kaya napatigil naman ako.

"Itinext mo nalang sana. Dalhin mo nalang iyan bukas rito tutal pupunta ka naman rito diba?" Sabi ko.

"I'll hang up" sabi niya.

"Isa pa talagang tawag mo blocked kana saking kumag ka" inis na sabi ko bago niya ibinaba ang telepono.

Aishhh nakakaistres.

"Sweetie, the lunch is ready" katok ni mommy sa pinto ko.

"Coming" sabi ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at agad na nagtungo sa dinning room. Nadatnan ko naman doon sina mommy at daddy na nagsisimula ng kumain.

"Oh she's here" sabi ni mommy ng mapansin ako kaya umupo naman ako sa upuan ko.

"Daddy wala po kayong work?" Tanong ko kay dad.

"Nabanggit kasi ng mommy mo na down na down ka these past few days simula nong naghiwalay kayo ni Vince so I'm here para damayan ang prinsesa ko" sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Okay lang po ako daddy" sabi ko.

"I know princess, alam kong matapang ka tulad ng mommy mo pero hindi pa rin ako dapat makampante" sabi niya.

"May sasabihin po sana ako" pang iiba ko ng topic.

"Kumain ka muna sweetie" sabi ni mommy kaya nagsandok naman ako ng kanin at ulam sabay kain na.

"What is it?" Tanong ni daddy.

"Magpapakasal na po ako, ulit" sabi ko na ikinatingin nila sakin.

"Sabi ko na nga ba at hindi mo matitiis si Vince eih, alam kong mahal na mahal mo siya sweetie pero husto na okay? Masyado ng malaki ang isinakripisyo mo para sakanya at masyado na ring marami ang mga pasakit na ibinigay niya sayo so just let him go" sabi ni mommy.

"Hindi po siya ang tinutukoy kong papakasalan ko" sabi ko.

"Then who?" Tanong ni daddy.

"Si Mr Laurus" sabi ko na ikinagulat nilang dalawa.

"Mr Demzo Laurus?" Gulat na tanong ni daddy kaya tumango naman ako.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon