Chapter 14

1K 16 0
                                    

"Sorry Amie ah, hindi kasi kita pwedeng dalhin sa bahay kasi may allergy sa pusa yung kasama ko sa bahay" sabi ko.

Another night at andito na naman ako kasama si Amie, ito yung pusa na nakita ko kahapon. Pinangalanan ko siyang Amie dahil alam kong wala siyang pangalan. Nalaman ko rin na babae siya kaya alam kong bagay talaga sakanya ang pangalan niya.

Nalaman kong may allergy pala ang lalaking iyon sa pusa kaya pala bigla nalang siyang bumahing kahapon nong hawakan ko siya. Akala ko pa naman ay may sakit yun.

"Huwag kang mag alala dahil palagi naman kitang dadalhan rito ng pagkain kaya aalagaan parin kita" sabi ko.

"Hanggang ngayon ay mahilig ka parin pala sa pusa" nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko kaya agad naman akong napalingon.

"V-Vince" sabi ko.

"Long time no see" sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Napadaan lang ako" sabi niya.

"Then you should get going" sabi ko.

"Bakit mo ako tinataboy wife?" Tanong niya.

"Hindi na tayo mag asawa Vince so stop calling me your wife" sabi ko.

"Why? Is it because of your new husband? Mr Laurus?" Tanong niya.

"Oo, kaya pwede ba itigil muna ang kakatawag sakin na asawa mo dahil hindi na ikaw ang asawa ko" sabi ko.

"That's illegal wife, alam mo naman siguro na hindi pwedeng ikasal ang taong kasal na, hindi ba?" Tanong niya.

"Legal yun dahil unmarried na ako kaya pwede na ako mag remarry" sabi ko.

"You're not unmarried, baka nakakalimutan mong kasal kapa sakin? Hindi ako pumirma kaya ibig sabihin ay hindi ka pwedeng magpakasal ulit sa sino man" sabi niya.

"Wala na akong pake sa sasabihin mo Vince, aalis na ako" sabi ko at akmang aalis na ng bigla niyang hinablot ang braso ko.

"Ito ba ang kabayaran ha? Ito ba ang sinasabi mong ikaw na ang bahala kay Laurus maghiwalay lang tayo? Mas pipiliim mong magpakasal sa lalaking iyon para lang sa kapakanan ko? Frans kaya kong protektahan ang sarili ko pati narin ikaw sa lalaking iyon kaya bumalik kana sakin please wife" sabi niya kaya marahas ko namang inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Hindi ko ito ginagawa dahil lang sa gusto kitang protektahan Vince. Ginagawa ko ito kasi sawa na ako sayo, pagod na ako sayo kaya kailangan ko ng lumayo sayo. At magagawa ko lang iyon kapag nagpakasal ulit ako sa ibang tao" sabi ko.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako Frans? Ano pa ba ang dapat kong gawin para bumalik ka lang ulit sakin?" Tanong niya.

"Wala. Siguro mapapatawad kita sa takdang panahon pero hindi ibig sabihin nun ay babalik ako sayo" sabi ko sabay talikod sakanya.

"You will regret leaving me Frans. I swear hindi kita titigilan lalong lalo na ang lalaking iyon, hindi ko kayo titigilan. Kukunin kita Frans, akin kalang" rinig kong bulong niya bago ako makalayo.

Nang makauwi na ako ay bumungad naman sakin si Demzo na nakacross arms na naman habang nakataas ang isang kilay.

Alam kong alam niya kung saan ako galing kaya hindi kona dapat pa sabihin iyon sakanya.

Nauuhaw ako dahil sa paglalakad ko, ang layo kasi ng daan palabas ng village na ito kung saan nakatira si Amie kaya naeestrech talaga ang mga tuhod ko.

Napakunot noo ako ng sumunod saakin si Demzo na para bang may hinihintay na kung ano. Aishhh naiirita ako sa titig niya sakin.

"Aren't you going to explain to me where you've been and who you've met?" Tanong niya.

Sawakas nagsalita na ang g*go.

"Alam mo naman kung saan ako galing diba?" Tanong ko.

"I thought you're just going to meet a stray cat, does your ex-husband look like a stray cat to you?" Tanong niya.

"Look, pinipilit ko naman na layuan siya pero siya yung lumalapit sakin" explain ko.

"I already told you, don't go out" sabi niya.

"Maslalong ayoko namang magmukmuk lang dito sa bahay mo noh. Hindi na nga ako lumalayo eih, jan lang naman ako sa labas pero hindi parin pwede?" Tanong ko sakanya.

"From now on, you are not allowed to go outside until I say so. I'm going to send 10 bodyguards to guard you. At kapag nalaman kung tumakas ka sakanila. Don't try me woman, if you don't want to taste my wrath" banta niya sakin. Mararamdaman mo talaga ang galit niya kapag nagtagalog siya.

Aishhhh, bwesit na buhay toh nakakainis.

Ano naman ang gagawin ko dito sa bahay niya aber? Magmukmuk ng magmukmuk?. Have you forgotten already, Frans? Ikaw ang pumili sa kalagayan mong ito. Goshhhh.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon