Chapter 17

1.1K 18 0
                                    

"Demzo, it's been a while" tawag ng isang lalaki kay Demzo.

Mukhang hindi atah sila ni close ni Demzo at may away atang namamagitan sakanila dahil sa sama ng tingin ni Demzo sakanya.

"What is it again Luis?" Tanong ni Jacob sa lalaki.

So siya si Luis Miguel Tan? Ang sikat na bilyonaryo sa China? Ang bibigatin pala ng mga tao rito. Sana naman ay walang mangyayaring kaguluhan rito na ikasangkot ko dahil nakakahiya talaga.

"Don't be too harsh Jacob, hindi ikaw ang kausap ko" sabi nito.

Yep marunong siyang magtagalog dahil half Filipino din siya na namana niya sa mama niyang pure Filipina.

"Tsk, ayoko talaga sakanya" inis na bulong ni Jacob na rinig ko dahil magkatabi lang kami.

"Oh, who's this beautiful lady you are with? What a gorgeous, elegant and a hot goddess you are Ms. Nakita lang kita ay umandar agad ang pagkalalaki ko. Are you free tonight lady in red?" Tanong niya sakin.

"Back off man, asawa yan ni Demzo" sabi ni Jacob kaya napatingin naman ito kay Demzo na masamang nakatingin sakanya.

"Easy, I was just kidding. But if you're interested you can call me anytime you want" sabi nito sabay bigay sakin ng isang calling card.

Tinanggap ito ni Demzo at pinunit ito.

"She's not interested" sabi ni Demzo.

"What a possessive husband" singhap ni Luis.

"Why don't you just leave them alone Luis? You're act like an attention seeker and a clout chaser" sabi ni Jacob.

"Why don't we just play? Hindi ba't iyon naman ang purpose kaya tayo narito sa party?" Tanong ni Luis.

"Hindi paba sapat yung milyong milyong talo mo nung nakaraang taon?" Tanong ni Jacob.

"Well to tell you frankly, millions are just pennies for me, Jacob. So come on Demzo, play with me" yaya niya kay Demzo.

"Marami nang pera si Demzo kaya hindi na niya kailangan pang manalo sayo cause we all know naman kung sino ang talunan rito" sabi ni Jacob.

"Why do you always speak for him? Hindi naman ikaw yung kausap ko" sabi ni Luis.

"It's because that's what friends are for, nagtutulungan. Ayaw kang pag aksayahan ni Demzo ng laway so I'm helping him. Palibhasa wala ka kasing kaibigan kaya hindi mo alam yun" sabi ni Jacob.

"Tsk, then fine. But this time ay iba na ang nakataya. If I won, saakin ang asawa mo ngayong gabi Demzo, but if I lose, you can ask for anything" sabi ni Luis.

"Pano kung ayaw ni Demzo?" Tanong ni Jacob.

"That means I won. And this beautiful lady in front of me is mine for a night" sabi ni Luis habang nakatingin sakin.

Nagkasubukan ng tingin sina Luis at Demzo na para bang naghahamunan ng kamatayan.

"Bakit hindi ako ang kalabanin mo? It's my life anyways. Ako ang kailangan mo edi ako ang kalabanin mo" sabi ko.

"Feisty woman, more like it" nakangiting sabi niya.

"Anong laro ba?" Tanong ko.

"Cards, follow me" sabi niya at nauna ng maglakad.

Akmang susunod na sana ako sakanya ng pigilan ako ni Demzo.

"What do you think you're doing?" Tanong niya.

"Saving my dignity" sabi ko.

"I'll play the game" sabi niya.

"At bakit naman kita hahayaang gawin yun? Wala kang pake sakin kaya paano ko masisigurado na ipapanalo mo ang laro? Baka nga ipaubaya mo pa ako sa lalaking iyon. I don't trust you so let me save myself" sabi ko sabay sunod kay Luis.

Pumasok siya sa isang silid kaya pumasok naman ako habang nakasunod sakin ang dalawa, si Demzo at Jacob.

"Tongits, do you know how to play that?" Tanong ni Luis.

"Yeah" sabi ko sabay upo sa upuan na nasa harap.

Nagsimula nang iprepare ang mga cards kaya napatingin naman ako kay Luis na nakatingin rin sakin.

"So when did you learn gambling?" Tanong niya.

"5 years ago" sabi ko.

"When did you last played?" Tanong niya.

"3 months ago" sabi ko.

"Are you sure that you can defeat me? Alam kong babae ka but I won't go easy on you" sabi niya.

"Please don't, ayoko kasing manalo dahil lang sa kinaawaan ako" sabi ko.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon