"Pano ba yan Mr Laurus, nasa sign na mismo, no ticket no entry. Sa taas ba naman ng pilahan ng ticketan hindi kana namin maaantay pa" pang iinis ni Michael kay Demzo kaya tinapik ko naman siya.
Baliw talaga ang lalaking toh.
"Tara nalang Demzo, samahan na kitang pumila" sabi ko sabay hawak ng braso niya kaya napatingin naman siya sa kamay ko.
"Baby girl hayaan muna siya, pumasok na tayo ang init init sa labas tapos pipila ka pa para sa lalaking iyan?" Tanong ni Michael na ikinasama ulit ng timpla ni Demzo.
"Mauna kana lang sa loob Michael susunod nalang kami" sabi ko.
"Anong nangyayari dito?" Sulpot ng isang babae.
"Eih kasi po ma'am gusto po pumasok ni sir kahit wala po siyang ticket" sabi ng guard kaya napatingin naman ang babae kay Demzo na ikinagulat niya.
"M-mr Demzo Laurus?" Gulat na tanong ng babae.
"Tara na pumila na tayo" hila ko kay Demzo pero ayaw nitong magpahila.
"Welcome to the enchanted kingdom Mr Laurus and.... You must be the wife of Mr Laurus? Please come in and enjoy yourself inside. I am Janine Perez the owner of this Park" hyper na pakilala ng babae sabay abot ng kamay nito pero ayaw itong tanggapin ni Demzo kaya naman ay ako na ang tumanggap nito.
"It's nice to meet you too" awkward na sabi ko.
Mukhang nagets naman nito na ayaw makihalubilo ni Demzo kaya nagpatuloy nalang ito sa pag entertain saamin.
"Please let me guide you in. I'm very sorry for the inconvenience nagkamali po ang guard namin" sabi niya.
"It's fine, lahat naman tayo may obligasyon bawat isa lalo na si manong. He's just doing his own job so please don't fire him or punish him" sabi ko.
"Masusunod po" sabi nito kaya nginitian ko naman siya.
Pumasok na kami sa loob kaya napahinga naman ako ng maluwag. Umalis na rin yung babae kaya kami nalang ulit tatlo ang naiwan.
"Epal na babae" bulong ni Michael.
"Dun muna tayo, may bibilhin lang ako" turo ko sa isang tindahan at agad na nilapitan ito.
"May bibilhin ka?" Tanong ni Michael kaya tumango naman ako.
"Pabili nga po ng dalawang maskara" sabi ko sa tindera.
Pagkatapos kong magbayad ay lumapit ako kay Demzo at akmang isusuot na sana ang mask sakanya ng umiwas ito.
"What are you doing?" Tanong niya.
"Isusuot ko sayo, pagkukumpulan tayo ng mga tao kaya kailangan nating magtakip ng mukha" sabi ko.
"He can do it himself babygirl" sabi ni Michael.
"Do it" sabi ni Demzo kaya wala naman akong nagawa kundi ang isuot ito sakanya.
"Tsk, hayaan mo na nga siya babygirl, he isn't crumpled up" sabi ni Michael sabay hila saakin papalapit sakanya kaya napailing nalang ako.
"What's our first ride?" Tanong ko sakanya.
"You already know what it is" nakangiting sabi niya.
"Vikings" sabay naming sabi sabay takbo papunta sa vikings.
Marami pa kaming sinakyan na mga rides tulad ng rollercoaster, centipede ride, ferris wheel, waterfall rides, at marami pang iba.
"Baby girl picture tayo rito" tawag pansin saakin ni Michael kaya nilapitan ko naman ito.
"Selfie" sabi ko.
"Magpapicture tayo" sabi niya na ikinakunot noo ko.
"Ha? Kanino?" Tanong ko.
"Mr Laurus pwede mo bang picturan kami ni babygirl?" Nakangiting pakiusap ni Michael kay Demzo.
Aishhh bwesit na lalaki talaga toh, ang hilig talagang mang inis.
"Wag na Michael, maghanap nalang tayo ng ibang tao" sabi ko.
"Bakit pa tayo maghahanap kung pwede namang asawa mo nalang ang magpicture saatin diba? Kaya Mr Laurus picturan muna kami" sabi ni Michael sabay abot ng phone nito kay Demzo.
Hayss bwesit na lalaking ito.
Napakunot noo ako ng tanggapin ito ni Demzo kaya agad naman akong hinila ni Michael palayo para makita ang view na nasa likod. Nagpose na kami ng iba't ibang posing hanggang sa matapos na.
Inabot na ulit ni Demzo pabalik kay Michael ang cellphone kaya agad naman naming tinignan ang mga pictures.
Napakunot noo ako ng puro zoom pictures ko lang ito na para bang nasaakin lang nakapukos ang camera.