Nang makauwi na ako sa bahay ay bumungad sakin ang nakacross arm kong asawa at nakakunot noo itong nakatingin sakin.
"Where have you been?" Tanong niya.
"Buying something" sabi ko.
"Kaylan pa naging mall ang Laurus Company?" Tanong niya kaya napalunok naman ako.
"Paano mo nalaman?" Walang ganang tanong ko sakanya.
"Of course you are my wife Frans, I have my eyes on you" sabi niya kaya napasinghap naman ako ng patago.
"Fine, I lied" sabi ko.
"So tell me, what are you doing there?" Tanong niya.
"Inutusan lang ako ni daddy na ako ang mag asikaso ng bagong project nila ni Mr Laurus, alam mo namang kabusiness partner ni daddy si Mr Laurus diba?" Tanong ko.
"That's it? Nothing else?" Tanong niya kaya tumango naman ako.
Lumapit siya sakin at niyakap ako pero hindi ko ito tinugunan.
"Gusto ko ng magpahinga Vince" sabi ko na ikinakunot noo niya.
"Vince? Why are you addressing me in my name honey?" Tanong niya kaya hinalikan ko nalang siya sa pisngi.
"I need to rest" sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto namin.
Agad kong nilock ang pinto at agad na napaupo sa sahig at napahagulgul.
Why are you doing this to me Vince? I trusted you so many times, I give you thousands of chances to the point na hindi kona nga napondohan yung para sa sarili ko because I loved you so much.
Bakit lagi mo nalang akong niloloko? Hindi paba ako sapat? Bakit? Dahil ba hindi pa ako handang magkaanak kaya ayokong magpagalaw muna sayo? But I thought you would respect and support all of my decisions?.
Maslalo akong napahagulgul ng maalala kona naman ang nakita kong kiss mark sa leeg niya na alam kong hindi saakin dahil hindi naman ako gumagamit ng lipstick.
How could you do this to me Vince.
*Ting*
Agad kong kinuha ang telepono ko sa bag ko at tinignan ang nagmessage sakin.
Unknown:
Let's meet tomorrow in my office.Kahit hindi pa siya magpakilala ay alam kong si Mr Laurus toh, siya lang naman kasi ang pinuntahan kong opisina sa tanang buhay ko maliban sa opisina ni daddy kaya hindi na ako magtataka pa.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at agad na ginawa ang gawain ko bilang asawa.
Nang makaalis na si Vince at papunta na sa company niya ay nag ayos na rin ako para umalis na.
Nang makarating na ako sa kompanya ay pinapasok naman ako ako kaya agad akong nakarating sa office ni Mr Laurus.
"You're here" agad akong napalingon sa nagsalita sa likod ko.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ha?" Tanong ko pero naglakad lang siya papunta sa swivel chair niya.
"Take a sit" sabi niya kaya wala naman akong nagawa kundi ang umupo sa upuan na nasa harapan niya.
"At exactly lunch time ay dapat nakauwi na ako kasi hahandaan ko pa ng lunch ang asawa ko" sabi ko.
"Are you blind? He's been cheating on you for so many years" walang ganang sabi niya kaya walang gana ko naman siyang tinignan.
"I'm not blind, I'm just loving" sabi ko.
"You're nonsense love is already hurting you, aren't you aware of that?" Tanong niya.
"Nonsense love? Nagmahal ka din diba? For how many years? 10 years diba? 10 years na kayo ni Nica, you've been together since highschool kaya alam kong alam mo na tulad ko nagmahal ka din, at anong karapatan mong sabihin na hindi ako nasasaktan ha? Hindi pa ba sapat yung iyak ko ng mag isa sa isang sulok? Hindi mo yun alam kasi wala kang alam, kaya wag kang magsasalita ng tapos. And I'm gonna divorce him anyway, kapag sigurado na ako sa kahihinatnan ng lahat once na nakipagdivorce ako sakanya" sabi ko.
Yes alam ko ang relasyon nila ni Nica dahil pareho lang naman kami ng school nong highschool which is school na pagmamay ari ng pamilya niya.
"I'm not here to argue with you, I'm here to give you this" malamig na sabi niya at inabot sakin ang isang envelope kaya napatingin naman ako sakanya.
"Ano yan?" Tanong ko.
"How would you know if you don't open it" sabi niya.
"Sabi nila, mas mabuting magtanong kasi nakakadagdag iyon ng alam" sabi ko.
"Don't you know that curiosity can also help you with that?" Tanong niya kaya napabuntong hininga nalang ako sabay kuha ng picture at binuksan iyon.
Tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa mga nakikita kong litrato.
"Enough" nanlulumong sabi ko sabay tayo.
"Enough? I have more here" sabi niya sabay pakita sakin ng laptop niya kaya inis ko naman iyong ibinato sa bubong.
"I said enough! Ano ba ang gusto mo ha? Alam ko namang niloloko ako ng asawa ko pero anong karapatan mo para ipamukha mo iyon sakin ha? Sino ka ba satingin mo ha?" Inis na sigaw ko.
"No one" sabi niya kaya inis ko naman siyang tinignan.
"Ano ba ang gusto mo?" Tanong ko.
"You" sabi niya.
"Para ano? Bakit ako?" Tanong ko.
"You don't want him to die right? Then I will give you what you want. However, that doesn't mean that my outraged to your husband is done. What I want this time is to make him feel the biggest loss of his entire life. I will make sure that he will live a miserable life like mine. I won't to kill him that easily. I will torture him and make him kill himself" sabi niya.