Chapter 26

1K 20 0
                                    

Si Demzo lang pala na masamang nakatingin kay Michael at may dalang coke? Kaya ba siya umalis para bumili ng drinks?.

"Tsk, wala kang pakealam kung anong itatawag ko kay Frans" sabi ni Michael.

"Saan kaba kasi galing?" Tanong ko kay Demzo.

"I bought drinks for us" sabi niya sabay abot sakin ng isang coke.

"Bakit dalawa lang?" Tanong ko.

"I only cared for my wife and not for a beggar" sabi niya.

"Aba't" akmang susugurin na sana ni Michael si Demzo ng pigilan ko ito.

"Alam niyo tara na, baka kung saan pa umabot ang pag uusap natoh" sabi ko sabay hila sakanilang dalawa papasok ng room na napili naming movie.

Nagtungo kami sa upuan namin at nagsiupuan na, so bale ako kung nasa gitna. Buti nalang. Baka kasi imbes na horror ang papanoodin ng mga tao rito sa loob ay biglang maging action na.

Alam na alam talaga ni Michael ang mga gusto kong movies. Mahilig ako sa horror movies pero inaamin ko naman na matatakutin talaga ako, gusto ko lang talagang takutin ang sarili ko kaya gustong gusto kong manood ng mga horror movies.

Nagsimula na ang movie at tahimik lang ang lahat habang ako naman ay kumakain ng popcorn. Ang sarap kasi, chocolate flavor.

Napatingin ako kay Demzo na prenteng nakaupo habang nakapukos sa pinapanood. Sa porma niya parang nasa opisina parin siya tsk. Nakadekwatro kasi ito at nakadiamond hand sign.

"Kung gusto mong kumain ng popcorn kumuha kalang" sabi ko sakanya kaya napatingin naman siya sakin sabay tingin kay Michael.

Si Michael naman ay masamang nakatingin kay Demzo. Hindi ako marunong magtelepathy pero parang alam na alam kona kung ano ang nasa utak niya ngayon.

'subukan mo lang, malilintikan talaga kita'

"No thanks" sabi ni Demzo kaya sinamaan ko naman ng tingin si Michael.

Kumuha ako ng isang popcorn at inabot ito sakanya.

"Wag mo na siyang alalahanin, may topak lang talaga yan sa utak, heto kainin muna" sabi ko sabay subo sakanya ng popcorn.

"Woah" rinig kong singhap ni Michael kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanya pero umiling lang ito sabay tingin ulit kay Demzo.

"Aba't ngumiti kapa ah" inis na sabi nito kaya napatingin naman ako kay Demzo na nakapoker face.

Saan? Wala naman.

Maya maya pa ay medyo nakakalahati na kami sa pinapanood namin kaya masyado ng intense ang mga pangyayari.

*Ahem*

Napatingin ako kay Michael na umubo.

"May problema ba?" Tanong ko.

"I'm thirsty, can I take a sip of your drink baby girl?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sa coke ko.

"Oo ba, sige inom ka" sabi ko at akmang iaabot sakanya ang coke ko ng pigilan ako ni Demzo.

"Don't you dare" banta nito sakin.

"Ano ka ba Demzo bitaw, nauuhaw na si Michael" sabi ko.

"Oo nga, huwag ka namang madamot Mr Laurus, alam ko namang sayo ito galing pero nauuhaw na kasi ako" nakangiting sabi ni Michael na lalong ikinaitim ng aura ni Demzo.

"You can take mine" sabi ni Demzo.

"Gusto ko yung drinks ni baby girl, malay ko ba na baka may lason iyang sayo. I don't trust easily especially on you" sabi ni Michael.

"Hayyy naku, hayaan muna Demzo, inumin lang naman yan. Ano pa bang problema dun?" Tanong ko.

"Isn't it inappropriate that you would share a drink with someone especially to a guy? Sharing a drink to a guy means sharing saliva with him" sabi niya na ikinaisip ko.

Is he talking about indirect kiss?.

"Kaibigan ko siya" sabi ko.

"Exactly, he's just your friend. He isn't your relatives and especially not your husband" sabi niya.

Well may katwiran naman siya.

"Why making so many fuss about it Mr Laurus? It's just a drink. I just want to drink because I'm thirsty" sabi ni Michael.

"Aren't you aware that anybody would sue you for that? That is absurd" sabi ni Demzo.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon