Chapter 2

1.7K 25 0
                                    

Andito ako ngayon sa national road nagd-drive ng kotse at umiiyak pa rin.

*Beeeep*

Agad kong naihinto ang kotse ko ng muntikan na akong makabangga ng kotseng nasa harapan ko.

Lumabas ang may ari ng kotse at sinugod ang kotse ko.

"Hoi lumabas ka jan kung ayaw mong basagin ko itong kotse mo" inis na sabi ng lalaki kaya agad agad ko namang pinunasan ang luha ko at nagsuot ng sun glasses.

Nakuha namin ang atensyon ng mga tao kaya binuksan ko nalang ang bintana ng kotse ko kesa ang lumabas.

"Enough, hindi ko iyon sinasadya" sabi ko.

"Anong hindi sinasadya? Eih muntik mo ng masagasaan ang kotse ko tapos hindi mo sinasadya?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Muntik nga diba? So it means hindi naman nangyari" sabi ko.

"Abat lumalaban kapang babae ka ha, lumabas ka jan" inis na sigaw niya kaya napailing naman ako.

"Tell me what you want? Money?" Tanong ko.

"Anong pera? Hindi ko kailangan ang pera mo, baka nga hindi kakasya yang ibibigay mo sa perang ginastos ko para makabili ng kotse" sabi niya kaya agad naman akong naglabas ng cheke at ibinigay iyon sakanya.

"Is that enough? Bumili ka narin ng bagong kotse" sabi ko

"At bakit naman?" Tanong niya kaya pinaandar ang kotse ko ng mabilis para sagasaan ang kotse niya.

"Sira na kasi" sabi ko at pinaharurut na ang kotse ko paalis sa lugar na iyon.

Nang makauwi na ako sa bahay ay bumungad agad sakin ang mga maid na nakayuko sakin.

"Ma'am nasa kusina na po yung mga ingredients na pinapahanda niyo para sa pananghalian ni sir" sabi ng isang maid kaya nagtungo naman ako sa kusina.

Nang makarating na ako sa kusina ay agad akong naghugas ng kamay at nagsimula ng magluto.

Naramdaman kong may tumulong likido sa pisngi ko kaya agad ko naman itong pinunasan.

Biglang sumagi sa isip ko ang mg nakita ko kaninang mga larawan na ipinakita sakin ni Demzo kaya inis ko namang pinagtadtad ang carrots.

Hayop ka talaga Vince, isa kang hayop at walang kwentang lalaki.

Sa sobrang inis ko ay agad akong kumuha ng paminta at akmang lalagyan na sana ang niluto ko ng may maisip ako.

Agad akong napahagulgol at napaupo sa sahig dahil sa tinding poot at galit na nararamdaman ko.

Galit na galit ako sayo Vince, pero hindi iyon sapat para paghigantihan o patayin kita, hindi ako ganun kasamang tao. Kahit saktan mo pa ako ng husto ay hindi pa rin iyon sapat para maging tunay na halimaw ako ng dahil lang sayo. Ikaw ang halimaw, ikaw ang hayop. Alam kong darating din ang araw na pagsisihan mo ang lahat ng ito. Mababalik din sayo ang lahat ng sakit na ipinaramdam mo sakin. Ikaw muli ang iiyak ng mag isa at kikimkimin ang sakit ng nag iisa.

Tumayo ulit ako sabay punas ng luha ko. Ibinalik ko ang paminta sa lalagyan nito at nagsimula na ulit magluto.

Allergic si Vince sa paminta, I don't know kung anong sumagi sa isip ko kanina at muntikan ko na siyang lasunin. Basta ang alam ko ay galit ako sakanya. Galit na galit at kinamumuhian ko siya.

Buong araw ay nakamukmok lang ako sa kwarto namin, hindi na ako nag abalang lumabas dahil wala din naman akong gagawin sa labas.

*Knock knock knock*

"Ma'am andito po sina madam at si siñorito" sabi ng katulong sa labas kaya agad naman akong nag ayos.

Bakit hindi man lang ako ininform ni Vince na darating pala ang mommy at daddy niya haysss.

"Iha" tawag sakin ni mommy-ta at yumakap sakin kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Bakit hindi niyo po ako sinabihan na darating kayo? Edi sana po ay nakapaghanda ako ng maraming pagkain para sainyo" sabi ko.

"Naku ikaw talaga iha, napaka bait at napakasipag mo. Kaya nga hindi na namin ipinaalam sayo kasi ayaw kong mag abala kapa. At saka bumisita lang kami rito, nagkataon kasi na may pinuntahan kaming project jan lang sa tabi" sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Amh dito na po kayo mag dinner, ipaghahanda ko po kayo ng masasarap na pagkain" sabi ko.

"Oh sige iha ikaw ang bahala, nasaan ba si Vince?" Tanong sakin ni daddy-to.

"Amh hindi pa po umuuwi" sabi ko kaya napatingin naman siya sa relo niya.

"How come? Hindi naman niya nakasanayang mag overtime, you know naman na napakatamad ng batang iyon" sabi ni daddy-to.

Malamang nambababae na naman yun.

"Mom, dad" agad kaming napalingon kay Vince na kakarating lang at mukhang binagyo.

Mukhang naisturbo atah ang pagpapakasaya niya.

"Where have you been son? Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni mommy-ta.

"I was just so stressed mom" sabi ni Vince sabay lapit sakin at akmang hahalikan ako sa pisngi kaya agad naman akong umiwas.

"Maghahanda napo ako ng pagkain dahil baka gabihin pa kayo ng husto bago kayo makauwi" sabi ko sabay punta na sa kusina.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon