Kabanata 1 : Karugtong ng kasalukuyan
Continuation of Hypnotize the King Epilogo
Present Day
Agape Cruise Ship
"Villain?" sabi ni Amon sa batang babae na nasa harapan niya habang nagkakasiyahan ang lahat sa kasal ni Astraea sa asawa nitong dating hari na pinalitan ni Amon.
Si Jan Carl Canmore, na ngayon ay ginagamit ang pangalang Daniel Canlas na isang kapitan ng barko, at ang barko kung nasaan sila ay pag-aari nito.Agape, ang pangalan ng barko na sinunod sa pangalan ng kapatid ni Amon, o pinsan ni Astraea na asawa ni Daniel. Namatay si Agape, at si Amon ang tinuturo ng lahat sa kamatayan ng isa triplets ni Dr. Ash Valiente at Escort na si Aurora o mas kilala sa tawag na Diez, ang dalawa ang kinilalang magulang ni Amon.
"Nasaan po ang Papa ko?" sabi ng batang babae kay Amon.
"Huh! Papa? Tatay Aj lang dati ang tawag." napangising sabi ni Amon sa isip.
"Nasaan si Red?" sabi ni Hestia na ikinatingin ni Amon dito sa paulit-ulit nitong tanong sa paghahanap sa kanya ng anak nitong si Strawberry.
"Kinuha mo si ate Red? Hanap siya ni Papa?" sabi ng batang babae.
"Papa na talaga? Aisssttt! Habang tumatagal lumalalim ang relasyon mo sa kanilang lahat." sabi ni Amon sa isip.
"Ilabas mo na ang anak ko, Amon." sabi ni Hestia.
Samantalang sa di kalayuan napabaling ang atensyon ni Amon ng mahagip nito ng malinaw ang isang babae.
"Hindi ko siya tinago." sabi ni Amon habang nakatingin sa babaeng ina ng batang babaeng tinawag siyang villain.
Napangiti naman ng lihim si Rio ng sundan ang tinitingnan ni Amon kanina pa.
"Katara, halika." sabi ni Rio ng tawagin ang tinitingnan ni Amon.
"Sandali lang hinihintay ko si Jamal." nakangiting sabi ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Amon ng makita ang papalapit na lalaki kay Katara.
Si Katara, ang babaeng dalawang taon niyang hindi nakita. At ang pagkikitang iyon ay sandali lamang mula ng makipaghiwalay ito sa kanya.
"Masakit ba Amon?" sabi ni Hestia na ikinatingin ni Amon kay Hestia.
"Hindi ko kinuha ang anak mo." sabi ni Amon ng makita ang talim sa mata ng babaeng inuusig siya sa pagkawala ng anak nito.
"Daddy." masayang tawag ni Amonia kay Jamal na ikinatingin ni Amon dito.
"Hindi na Dada. Tsss! Daddy na ang tawag." inis na sabi ni Amon sa isip habang nakatingin sa batang maglilimang taong gulang. Dalawang taon niya ito hindi nakita pero ang itsura ng batang babae hindi pa rin maipagkakamaling isa itong Valiente.
"Masakit mawalan ng anak na nararamdaman mo at pinaparamdam mo sa amin ni Aj." sabi ni Hestia kay Amon.
"Hindi ko kinuha ang anak niyo." ulit na wika ni Amon.
"Hon, para sayo kinuha ko sa vase." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara sabay kuha sa bulaklak na madalas gawin ni Jamal kapag nakikita ito ng bulaklak binibigyan siya nito kahit na nasa vase iyon ng mesa.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...