Kabanata 33 : Special

251 50 7
                                    


Kabanata 33 : Special

El Paradiso

Hours Later


"Saan po si Mama?" tanong ni Nicolo kay Amon ng magising ito na wala si Katara.

Napatingin si Amon sa batang lalaki pupungas-pungas pa ito ng mata na halatang bagong gising.

"Nasa palengke." sabi ni Amon habang nakatitig kay Nicolo na hawig ni Jamal at Katara.

"Iwan kami?" sabi ni Nicolo sabay titig kay Amon na noo'y nakadungaw sa bintana.

"Bumili lang ng lulutuin." sabi ni Amon.

"Iwan?" ulit ng batang lalaki na ikinahingang malalim ni Amon.

"Bu.mi.li lang ng lu.lu.tu.in." ulit din ni Amon sa madidiin na kataga.

"Wala po siya kaya iwan niya kami." sabi ni Nicolo na ikinangisi ni Amon sa kakulitan ng bata sa paulit-ulit na tanong.

"Saan Mama?" bungad na tanong ni Nicel na ikinatingin ni Amon.

"Iwan tayo ni mama." sabi ni Nicolo sa kapatid na hawak ang bote ng dede nito.

"Iwan tayo?" sabi ni Nicel na namuo agad ang luha sa mga mata.

Napatingin si Amon kay Nicel, kamukhang kamukha ito ni Jamal na tila nga carbon copy.

"Huh! Kaya hindi rin siya nagalit ng mabuo si Nilesh dahil nagpunla siya ng kamukha niya na magpapaalala kay Katara." sabi ni Amon sa isip habang nakatitig kay Nicel.

"Wiwi ako." sabi ni Nicel sabay kapa ng diaper na tumagos na ang ihi sa dami o pagkapuno nito.

Napatingin si Amon sa diaper ni Nicel, umaapaw na iyon at tumatagos na.

"Wiwi." sabi uli ni Nicel na nakatingin kay Amon.

Hindi kumibo si Amon habang nakatitig kay Nicel

"Nilesh wiwi ako." ulit ni Nicel na binanggit ang pangalan ng kakambal na nasawi habang nakatitig kay Amon.

Napalunok si Amon sa sinabi ni Nicel pero hindi ito kumilos.

"Kuya, wiwi ako." napaiyak na sabi ni Nicel ng umihi nga ito at tuluyang tumagos sa diaper at lumandas sa mga hita nito ang ihi na ikinatingin ni Amon sa likido na lumalandas sa hita ni Nicel.

"Galit ka sa akin?" sabi ni Nicel ng titigan lang siya ni Amon.

"Hindi kasi si Nilesh iyan." sabi ni Nicolo sabay lapit kay Nicel.

"Mukha niya Nilesh eh." sabi ni Nicel.


"Mabait si Nilesh."
sabi ni Nicolo sabay tanggal ng diaper ni Nicel pero sa pagtanggal nito napaatras ito.

"Oh shit." napamurang mahinang sabi ni Amon ng makita pumupu din si Nicel sa diaper at tubig iyon.

"Sakit tiyan ni Nicel." umiiyak na sabi ni Nicel na napaatras kaya tuluyang nahulog ang diaper nito at nagkalat ang dumi sa lapag.

Napatiim ng bagang si Amon sabay tingin kay Nicel.

"Huwag mo ako palo." umiiyak na sabi ni Nicel ng makita ang inis sa mukha ni Amon.

"Dito lang ikaw, kukuha ako ng basahan." sabi ni Nicolo na ikinatingin ni Amon sa batang lalaki ng sundan ito ng tingin papunta sa kuwarto ng mga ito.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon