Kabanata 13 : Langit ang Pag-ibig

339 48 8
                                    


Kabanata 13 : Langit ang Pag-ibig

Blaze Hotel


"Hala! Wala si Haco. Loko baka natumba na sa kalasingan.Hays! Lokong bata iyon." lasing na sabi ni Katara sa sarili habang pasuray-suray na napahinto para lingunin si Haco sa masikip na bar na iyo.

Nanlalabo na ang paningin ni Katara dala ng matinding kalasingan, pakiramdam din niya gusto niya mahiga na lamang sa lapag dala ng matinding pagkahilo.

"Baka natapakan na. Naku! Lagot ako kay Sir Blaze at Maam Althea iyong anak nilang porselana ang kutis baka nagkalasog-lasog na rin iyon." sabi pa ni Katara na muling bumalik sa gitna ng dance floor na kung tutuusin hindi pa naman siya nakakalayo dahil siksikan nga at pakiramdam niya dumami pa ang tao ng mga oras na iyon.

"Sinong mag-aakala na kahit uso na ang social media ek-ek at kung ano-ano pang social media platform may mga kabataan pa rin an mahilig sa ganitong kasiyahan." sabi ni Katara habang nakikipagsiksikan sa mga tao sa loob ng bar.

"Makikidaan ako." sabi ni Katara habang sumisingit ito sa mga tao na halos magbalyahan.

"Hay naku! Ito nga ba ang sinasabi ko kapag nagsalubong at nagsalo ang old era sa new gen malamang nakakahilo lalo." sabi ni Katara dahil sa mga dinadaanan niya may mga content creator na nagvivideo ng kanya-kanya para siyempre ilagay at ipagyabang sa mga pages at account ng mga ito.Dag-dag pera para sa mabilis at madaling kitaan ngayon, na ginagawang trabaho ng mga Pinoy na umasa na lamang sa pang-uuto ng mga viewers at followers ng mga ito.

"Padaan ako." sabi ni Katara na halos mapisa siya sa masikip na daan.

Samantalang kanina pa nagpipigil ng inis si Amon, sa sikip ng lugar na tila sila sardinas.

"Lagot ka sa akin mamaya Haco." inis na sabi ni Amon sa isip na halos hindi na siya makausad sa paglalakad sa bar na iyon para sundan si Katara.

"Naku naman Haco! Bakit mo naisip ang ganitong lugar? Na halos magkapalitan na kayo ng mga mukha." inis na sabi ni Amon sa isip na ikinapikit pa nito ng masagi ang katawan niya na halos magkasikuhan na ang lahat.

"Manyak ka talaga." sabi pa ni Amon sa isip ng mapadaan sa mga kababaihan na haos bra lang ang suot at ang mga dibdib ay sumasanggi sa katawan niya.

"Kaya pala dito kayo madalas tumambay kasi libre tsansing. Ayos ang mga utak ng mga manyak na ito, mas manyak pa sa akin." nakangising sabi ni Amon habang nakakapa ng braso niya o katawan niya ang malalambot na katawan ng mga babaeng nadadaanan niya sa siksikang lugar na iyon.

"Ohhhhh!" sigawan ng mga kalalakihan na ikinatingin ni Amon.

Iyon ang pinagpapasalamat ni Amon matangkad siya kaya kita naman niya ang karamihan at ang nagaganap.

"Hello, baby." sabi ng isang arabo na ikinakunot noo ni Amon sabay titig sa babaeng pinaligiran ng mga lalaki.

"Excuse me." lasing na sabi ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Amon ng mahinuha kung sino ang babae.

"Can we sing?" sabi ng arabo na ikinatitig ni Katara dito.

"Okay, Jamal." sabi ni Katara na ikinabilis ng pagkilos ni Amon na halos tabigin ang lahat ng nakaharang na tao makapunta lang kay Katara.

"Yes." sabi ng arabo sabay hawak kay Katara pero akmang hihilahin nito ang babae ng mabilis na may tumulak dito.

"Ohhh!" napasigaw na sabi ni Katara na muntikan ng mabuwal ng mabitawan ng arabo.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon