Kabanata 21 : Mga Susi

301 49 9
                                    

Kabanata 21 : Mga Susi


"Hindi sila basura." sabi ni Katara sabay yakap sa dalawang batang lalaki na tulog na tulog habang buhat ito ni Katara.

Napatiim ng bagang si Amon ng makita ang itsura ni Katara, mukha kasi itong taong grasa na namamalimos bitbit ang mga anak. Halata ang hirap sa pagbubuhat nito akay pa ang mga dala nitong bagahe.

"Bakit ka nandito?" seryosong sabi ni Amon.

"Ahhhm. Kukunin ko lang si Neeya." sabi ni Katara na ikinangisi ni Amon.


"Kukunin lang? Pero ang laki ng bitbit mong luggage."
mapanuyang sabi ni Amon.

Hindi umimik si Katara alam niya kasi mahihirapan siyang kunin si Neeya kaya aminado siya nagdala siya ng gamit, mga damit niya at ng dalawang batang bitbit niya at may damit din si Neeya sa malaking luggage bag na dala niya.

Napangisi si Amon ng hindi umusal si Katara saka ito maangas na bumaba ng hagdan na ikinatingin ni Katara sa lalaki.

"Bawal ang basura sa bahay ko, kung gusto mo sa ampunan mo muna ilagay." sabi ni Amon sa maangas nitong tinig na ikinatitig ni Katara sa lalaki.

"Anong sabi mo?" di makapaniwalang saad ni Katara sa turan ni Amon.

"Paampon mo na lang mukhang hindi ka na kasi magkaundagaga." sabi pa ni Amon na ikinalungkot ng mukha ni Katara kaya napatigil si Amon.

"Wala akong balak ipaampon kahit sino sa kanila. Lalo na at sila na lang ang memories ni Jamal sa akin." sabi ni Katara na ikinangisi ni Amon.

"Miserable ang buhay ng pakasalan mo si Jamal, ang dalawang batang iyan ang malas sa buhay mo." sabi ni Amon na ikinayuko ni Katara saka umusal.

"Alam mo iyong part ng buhay mo na malungkot ka pero kailangan mo magpasaya para maramdaman mo na naging masaya ka kasi nagpasaya ka ng iba." sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Amon.

Nang hindi umimik si Amon napahingang malalim si Katara saka nito inayos ang pagkakabuhat sa dalawang anak at tumingin kay Amon saka muling umusal.

"Ganoon ako ngayon Amon." sabi ni Katara saka ngumiti kahit malungkot ang mga mata nito.

"Magbigay ka ng kasiyahan sa mga taong umaasa ng ligaya at si God na ang bahala sayo." sabi ni Katara saka mahigpit na niyakap ang mga anak.

".....ako na lang ang kasiyahan nila. Kapag hindi nila ako nakikita umiiyak sila. Malungkot ako kasi wala na si Jamal, at alam ko malungkot din sila kaya dapat nandito lang ako. At kung masakit, kung mahirap ang sitwasyon ko alam ko nandiyan si God para patatagin ako." sabi ni Katara na ikinatitig ni Amon kay Katara.

"Pinakasalan ka niya para bigyan ka ng mas malalim na sakit at sugat na mahirap hilumin." sabi ni Amon.


"Kaya ko hilumin ang lahat ng sakit at sugat basta kompleto ang mga anak ko."
sabi ni Katara.


"Kompleto? Huh! Wala na si Nilesh, so paanong kompleto?"
sabi ni Amon ng biglang umungot ang kakambal ni Nilesh ng marinig ang pangalan ni Nilesh na binanggit ni Amon.

"Apat ang anak ko Amon, hindi lang si Nilesh so kailangan ko mabuhay para sa mga naiwan at natira." sabi ni Katara.


"Hindi ko ibibigay si Neeya sayo, ilalaban ko siya lalo na sa kalagayan mo."
seryosong sabi ni Amon na ikinatitig ni Katara sa lalaki.

"Wala akong laban sayo, alam mo wala akong pera."sabi ni Katara.

"Tama, wala kang pera. Wala ka kahit na ano? Kaya hindi mo kayang buhayin lahat ng anak mo." sabi ni Amon na ikinaiwas ng tingin ni Katara kay Amon dahil alam ni Katara iipitin siya nito.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon