Kabanata 25 : Kapalit

340 40 3
                                    

Kabanata 25 : Kapalit

Lisbon Portugal


"Hindi si Haji ang kalaban ko." inis na sabi ni Shiloh ng makababa ito ng stage matapos makuha ang boxing belt para sa naturang laban.

"Hindi nga pero pinatay mo pa." sabi ni Peso na hanggang ngayon hindi makapaniwala dahil wala pang practice si Shiloh sa lagay na iyon.


"Nandiyan ka kasi kaya ginanahan ako. Iyan tuloy napatay ko."
napangising sabi ni Shiloh sabay tungga ng tubig na ikinanlaki ng mga mata ni Peso.


"Ikaw pumatay doon, bakit ako ang sisisihin mo?"
sabi ni Peso na ikinatawa ni Shiloh dahil nanginginig si Peso kahit itago nito, halatang natakot ito.


"Hahaha! Payakap nga."
sabi ni Shiloh sabay hila kay Peso at niyakap ito.

"Gago ka! Lagot ka. Murderer." sabi ni Peso na nanatiling tila tuod habang yakap ni Shiloh.


"Anong lagot? Laro iyan, at sa mundo ng boksing kapag mahina ka patay ka."
sabi ni Shiloh sabay hawak sa kamay ni Peso at pilit na pinapayakap sa katawan niya.

"Pinatay mo, hindi siya namatay ng kusa. Sinadya mo eh mamatay." sabi ni Peso habang naninigas ang mga kamay nito para hindi mayakap ni Shiloh ang kamay niya dito.

"Mahina lang talaga siya." sabi ni Shiloh


"Alam mo ng mahina pinatay mo pa."
sabi ni Peso.


"Aissst! Tapos na wala ng buhay hindi na mababalik iyon kaya move on. At saka may date tayo, pero yakapin mo muna ako."
sabi ni Shiloh sabay hila sa kamay ni Peso saka iyon niyakap sa katawan niya.

"Anong date?" sabi ni Peso

"Sabi ni kuya Aj kapag nanalo ako may date ako sayo. Kaya nga pinanalo ko." sabi ni Shiloh.


"Uyyy! Sabi ni kuya AJ samahan lang kita."
sabi ni Peso at akmang kukunin niya ang kamay ng mahigpit iyon hinawakan ni Shiloh para iyakap sa katawan nito.

"Oo nga sasamahan mo ako hanggang sa date. At ikaw ang bayad ni Kuya Aj at saka kaliwang kamay ka niya di ba?" sabi ni Shiloh.


"Anong kaliwa? Kanang kamay niya ako."
sabi ni Peso na pilit inaalis ang kamay sa pagkakayakap ni Shiloh.


"Ako ang kanang kamay niya at kaliwang kamay ka naman niya."
sabi ni Shiloh na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Peso para pilit na iyakap sa kanya.


"Siraulo."
sabi ni Peso sabay piglas nito pero mahigpit itong niyakap ni Shiloh.

"Ikaw ang bayad niya at hindi puwedeng hindi at lalong hindi ka puwede tumanggi kasi ganoon si Kuya Aj sumusugal iyon at ang taya.... TAO." sabi ni Shiloh na ikinalunok ni Peso.

"Tao?" sabi ni Peso.


"Oo. Pumasok kang kaliwang kamay niya kaya dapat alamin mo kung paano siya maglaro. Pero kung ako sayo maghanda ka kasi si Kuya AJ kapag sumsugal iyon, gumagawa, may inuutos o kahit pa ano pa man ang palit nun hindi pera kundi TAO."
sabi ni Shiloh.


"Talaga?"
sabi ni Peso.


"Oo. At dahil nag-apply ka sa kanya, pumasok sa kanya, kinuha ka niya kaya susunod ka sa kanya kasi kung hindi tao din ang kapalit ng pagsuway mo."
sabi ni Shiloh.

"Date lang ba?" sabi ni Peso.


"Yes, peanut."
sabi ni Shiloh.

........................

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon