Kabanata 24 : Mahal na Yaman

371 57 22
                                    

Kabanata 24 : Mahal na Yaman

Porto, Portugal


"Jamal!" sigaw ni Katara saka ito tumayo bitbit ang panganay nila ni Jamal.

Sa gulat ni Amon sa hindi inaasahang reaksyon ni Katara sa dami ng tao hindi nito nahawakan ang kamay ng babae bukod sa hawak ni Neeya ang kamay niya ng mahigpit at ilalaro iyon.

"Jamal!" sigaw muli ni Katara at ng hindi lumingon si Jamal nagmamadali itong umalis sa puwesto.


Napatingin naman ang grupo kay Katara ng umalis ito sa puwesto.

"Katara." sabi ni Amon at akmang tatayo ng yakapin ni Neeya si Amon na ikinatawa ng grupo.

"Hahahaha! Siraulong bata mana nga sa ama." natatawang sabi ni Umiko ng pigilan ni Neeya tumayo at umalis si Amon nang mahigpit ito yumakap.

"Ang kulit mo rin." sabi ni Amon dahil si Neeya parang kadena sa katawan niya, nakuha pa kasi nitong hawakan ang upuan imbes ang leeg niya. At ang mga paa ng bata nakasungkit sa pagitan ng mga upuan.

Napatingin si Amon sa dinaanan ni Katara kaso sa dami ng tao nawala ito sa paningin niya.


"Sleep na si Neeya."
sabi ni Neeya sabay siksik ng ulo kay Amon.


"Mamaya."
sabi ni Amon saka nito inalis ang pagkakakawit ng mga kamay at paa ni Neeya sa upuan at maayos itong kinarga.

"Sleep na si Neeya!!!" sigaw ng batang babae sabay pagwawala nito na ikinatahimik sa tawanan ng buong grupo.

"Magbehave ka." sabi ni Amon.


"Ayaw mo sleep si Neeya?"
sabi ni Neeya sabay tingin kay Amon.

"Hahanapin natin ang mama mo at baka hindi na umuwi iyon. Ikaw din mawawalan ka ng Mama." sabi ni Amon.

"Okay lang basta masaya siya." sabi ni Neeya saka ito napangiti.

................

Halos magsigawan ang mga tao sa nadaraanan ni Katara, pero wala siyang pakialam dahil ang importante sa kanya malaman kung si Jamal nga ang nakikita niya.

"Jamal!" sigaw ni Katara habang umiiyak na ang bitbit nitong batang lalaki sa takot sa pagsigaw ng nanay nito.

..............

"May tumatawag sayo." mahinang sabi ni Himeko na ikinalunok ni Jamal.

"Hayaan mo lang." sabi ni Jamal saka nito iginiya si Himeko sa upuan kung saan malapit sa pinakaunahan o stage.

"May kasamang bata." mahinang sabi ni Himeko.

"Jamal!" sigaw ni Katara.

Samantalang napatingin si Amon at ang grupo kay Katara. Pumunta ito sa unahan at halos maputol ang litid ni Katara sa kakatawag kay Jamal.

Ilang upuan din ang layo nila kung saan pumuwesto ang grupo ni Jamal at ang kasama nitong babae.

"Buhay siya?" sabi ni Raven na nagulat ng mapagtanto na si Jamal nga ang nasa unahan.


"Huwag ka ng magtaka sa nangyayari sa grupo natin walang imposible."
sabi ni Lake.

"Huwag din kayo magtaka kung makakita kayo ng kamukha niyo." napangising sabi ni Brook na ikinailing ng mga kapatid nito.

"Wala akong kamukha, hindi puwede." sabi ni Haco pero kinabahan ito at tumingin sa paligid dahil napagtanto ng grupo kakaiba nga pinuntahan nilang laban.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon