Kabanata 10 : Si Haco

312 44 8
                                    


Kabanata 10 : Si Haco

Tokyo, Japan

2days later


"Anong ginawa mo?" bungad na tanong ni Amon ng makita si Aj sa hotel sa Japan.

Napatitig si Aj kay Amon, mula sa mga tauhan niya pinakuha niya si Amon sa isang airport kung saan magtatangka itong pumasok sa bansa ng mga Canmore. Nang mahuli ito ng mga tauhan niya pinadala niya ito sa Tokyo, ang hide out ng Mafia group sa Japan.

"Bibigyan kita ng pagkakataon Amon na linisin ang kalat mo. Pero kapag hindi ka sumunod mapipilitan ako tanggalin ka sa mundo." sabi ni Aj na ikinangisi ni Amon.

"So, ang ginawa mong pagpatay kay Jamal ay nangangahulugan bang kaya mo ng pumatay ng taong malapit sa kakilala mo?" sarkastikong sabi ni Amon.

"Ang ginawa ko ay isang batas mula sa palasyo na hawak ko ngayon kaya pinapatupad ko lamang ang regulasyon ng Canmore Palace." sabi ni Aj.

"Hindi sayo ang palasyo ako ang nakaupo doon kaya ako ang may karapatan gawin ang mga bagay ayon sa desisyon ko kahit na nga ba nasa batas ito ng palasyo." sabi ni Amon.

"Ikaw? Hahahaha! Pinahiram lang sayo ang trono at ngayon binabawi ko na pero kung gusto mo makuha pasukin mo para ikamatay mo ng tuluyan.

Pero binabalaan kita ang lahat ng ministro ay nasa loob ng palasyo para linisin ang kalat mo bago ako umupo. At alam mo naman kung paano maglinis." sabi ni Aj.

"Nasa akin ang kapangyarihan." sabi ni Amon.


"Huh! Sige pumunta ka para ikaw at ang mga mahal mo ay paslangin nila."
sabi ni Aj.

"Pamilya mo ang pamilya ko kaya malabo iyon." sabi ni Amon

"Ginawa ako hindi para sa inyo. Sa pagkawala ng anak ko napatunayan ko kung ano nga ba ang silbi ko." sabi ni Aj.

"Hindi mo magagawa pumatay ng isa sa grupo at hindi mo hahayaan na makita ng mga mata mo ang paglagas nito." sabi ni Amon

"Huwag mo akong subukan Amon at baka magsisi ka." sabi ni Aj.

"Sige gawin mo," nakangising sabi ni Amon habang nakatitig kay Aj na nakaupo sa gitna napakalaking na bahay na iyon sa Japan. Isang mansiyon ang lugar na iyon, marangya at nagpapakita ng katatagan ng kung sino may-ari ng naturang lugar.

"Okay, uunahin ko si Katara." sabi ni Aj na ikinalunok ni Amon.

"Hindi mo magagawa ang bagay na iyan." sabi ni Amon.

"Wala na si Jamal, nabisita mo na ba si Katara?" sabi ni AJ sa seryosong tinig.

Hindi umimik si Amon kaya napangisi si Aj at muling umusal.

"Bisitahin mo at baka maunahan ka na naman ng iba. Alam mo naman si Katara ang tipo ng babaeng madaling mainlove kapag nalulungkot." sabi ni AJ.

"Para ano? Iwan ko ang posisyon ko?" sabi ni Amon.

"Wala kang posisyon kundi ang Emperio at ngayon nagawa mo na ang gusto mo oras na para bumalik ka sa kung saan ka dapat, kasi kung hindi baka magsisi ka. Ikaw din, maaatim mo bang sa ikalawang pagkakataon hindi mo matikman ang magkaroon ng anak." sabi ni Aj.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon