Kabanata 5 : Don't Dream It's Over
Agape Cruise Ship
"Marunong ka bang kumanta?" birong sabi ni Umiko kay Blue ng makalapit ito sa pamilya ni Aj na pinagkakaguluhan ng sixtuplets.
Napatingin si Blue sa paligid ng matuon ang pansin niya sa mga batang naglalaro at naghahabulan
"Hindi ka marunong 'no?" birong sabi ni Haco ng hindi magsalita si Blue at tumingin lang sa paligid.
Pinagmamasdan ni Aj ang anak na si Blue habang karga ito ni Hestia. Nakatingin si Blue sa paligid habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Masaya ang mga mata nito na tila gusto makisali sa mga batang masayang naghahabulan.
"Pipi ka na?" natawang sabi ni Lake kay Blue ng hindi ito sumagot, na ikinatingin naman ni Blue sa tiyuhin.
Sa pagtingin ni Blue kay Lake natigil ang pagtawa ni Lake ng titigan siya ng malalim ni Blue.
"Anak." bulong ni Hestia ng titigan ni Blue si Lake.
Napangiti si Blue sa tawag ng ina saka ito tumingin kay Hestia.
"Marunong ka ba daw kumanta?" tanong ni Hestia sa anak.
"Mama." sabi ni Blue na ikinatitig ng sixtuplets at ng grupo ni Haco kay Blue sa malambing na boses na pagkakatawag ni Blue sa ina.
"Bakit iyon?" sabi ni Hestia."Lungkot ka?" sabi ni Blue na ikinangiti ni Hestia.
Umiling si Hestia saka nito hinalikan ang pisnge ni Blue.
"Basta good boy ka, masaya si Mama." sabi ni Hestia na ikinatingin ni Aj sa asawa.
Sa kabilang parte ng lugar na iyon nakamasid si Jan Carl sa pamilya ni Aj at Hestia.
...................
Flashback
Years ago
"Buntis daw si Hestia." sabi ni Jamal kay Jan Carl habang nasa wheelchair ito.
"Ka—kani-ninong ulat ga-galing?" pautal utal na sabi ni Jan Carl na ikinangiti ni Jamal ng makitang nakakapagsalita na ang hari.
"Kay Borealis." sabi ni Jamal habang mahinang nag-uusap ang dalawa.
"Nasaan si Hisoki?" sabi ni Jan Carl.
"Nasa Ace." mahinang sabi ni Jamal.
Napatingin si Jan Carl kay Jamal, nakipagkita ito sa kanya ng lihim habang isinasagawa ang reception ng kasal nito kay Katara. Sumalsi lang ito ng makitang busy ang asawa sa pakikipag-usap sa mga bisita partikular sa asawa niya.
"A-ala-lamin mo ku-kung ta-tama ang ulat." sabi ni Jan Carl.
Napatingin si Jamal kay Jan Carl wala pang nakakaalam napauta-uta na itong nagsasalita halata pa kasing pagod ito at hirap sa pagbigkas ng salita o pagbuka ng labi nito sa pagsasalita.
"Paano si Red?" sabi ni Jamal.
"Huwag mo mu-muna ipaga---law." sabi ni Jan Carl.
"Si Amon, anong gagawin natin sa kanya?" sabi ni Jamal.
"Ha--yaan mo lang ha--bang hindi a-ako malakas." sabi ni Jan Carl.Napatingin si Jamal sa paligid maraming bisita kung saan ginagawa ang reception sa condo unit niya.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...