Kabanata 35 : Narito na Sila

297 39 4
                                    

Kabanata 35 : Narito na Sila

Hide-Out, Ph

"Tapos na ang problema mo." sabi ni Hestia habang nakatingin sa mag-ama niya na naghaharutan sa kama.

"Anong problema? Wala akong problema." sabi ni Aj sabay kiliti kay Blue.

"Hahahaha! Papa! May problema ka daw kaya bawal ako tumawa." tumatawang sabi ni Blue na tumulo pa ang laway .

"Hahahaha! Kadiri ka, huwag kang didikit kay Tito Shiloh mo at nahahawa ka na." sabi ni Aj na hindi tinitigilan ang pagkiliti sa anak.

"Punas ko sayo." tumatawang sabi ni Blue sabay pahid ng laway na tumulo kay Aj.

"Ewww!" birong sigaw na nandidiring sabi ni Aj na ikinatawa pa lalo ni Blue.

"Hahaha! Utot din ako." sabi ni Blue sabay tuwad nito sa kama na ikinatawa ni Aj ng umutot ng malakas ang anak.

"Yuckkkk! Salaula ka. Hahaha!" sabi ni Aj sabay kuha ng kumot at tinaklob iyon sa anak.

"Hahaha! Papa masu-sufocate ako.Mabahooooo!" tumatawang sabi ni Blue ng makulob ang amoy ng utot niya sa loob ng kumot kung nasaan siya.

"Namnamin mo ang amoy. Hahaha!" natawang sabi ni Aj na hindi hinayaan makawala si Blue kahit nagpupumiglas ito.

"Hahaha! Papa! Mabahoooo!" sigaw na tumatawang sabi ni Blue.

"Sayo naman iyan." natatawang sabi ni Aj habang nakatingin si Hestia sa asawa.

"Papa! Time verse. Hindi ako hinga." sabi ni Blue na ikinatigil ni Aj at ikinataas ng kilay ni Hestia.

"Joke ba iyan?" sabi ni Aj na hindi pa rin pinapakawalan si Blue.

"Papa!!!" sigaw ni Blue.

"Aissst! Hindi makahinga ang anak ko!" inis na sabi ni Hestia na ikinaseryoso ni Aj saka nito binitawan ang kumot.

Agad na inalis ni Blue ang kumot pero sa pag-alis nito napatingin ito sa ama na seryoso na ang mukha.

"Pupu." sabi ni Blue saka ito tumuwad uli at isang malakas na utot ang binigay nito na ikinailing ni Aj ng maamoy iyon.

Aissst! May Igit." sigaw ni Aj sabay hila sa paa ni Blue.

"Hahahha! Bazoooka." tumatawang sabi ni Blue.

"Ang bahooo." pangungung sabi ni Aj habang nakatakip ang kamay nito sa ilong.

"Tago ako." sabi ni Blue sabay pasok sa loob ng kumot.

Napatingin si Aj kay Hestia at natawa ito ng makita ang pamumula ng mukha nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa ilong at bibig.

"Masarap ba ang amoy?" natatawang pangungong sabi ni Aj kay Hestia.

"Mama! Meron pa po bang amoy diyan sa labas?" sabi ni Blue na natatawa sa loob ng kumot.

"Anak mabaho." pangungong sabi ni Hestia sa anak habang nakatakip ang mga kamay sa bibig at ilong.

"Ayaw mo kasi makinig sabi ko mabaho." sabi ni Aj ng umatras si Hestia at kinuha ang pabango nito sa bag saka iyon inispray sa buong paligid na naka-aircon pa naman.

"Anak, magpupu ka na." pangungung sabi ni Hestia.

Napasilip si Blue sa labas na ikinatingin ni Aj sa anak habang mata lang ni Blue ang nakikita nila.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon