Kabanata 38 : Pagtanggap

248 38 4
                                    

Kabanata 38 : Pagtanggap

El Paradiso


"Hahaha! Nakakatawa po pala kayo." tumatawang sabi ni Nicolo kay Eye habang nagkukuwentuhan ang mga bata at si Eye ng hapong iyon sa sala sa kasagsagan ng panonood ng mga ito ng tv.

Samantalang kanina pa nakatingin si Katara sa mga anak at kay Eye hindi niya kasi akalain na madali ni Eye makuha ang loob ng mga bata lalo na ang mga anak niya. Wala kasi sa mukha ni Eye, at awra pero ngayon sa nakikita niya mukha naman totoo ang pinapakita ni Eye sa mga anak niya.


"Gusto niyo pa ng isang kuwento?"
sabi ni Eye na kahit bukas ang tv sa kanya nakatutok ang mga bata lalo na si Neeya na kanina pa nakatabi sa kanya.

"Opo, tita." sabi ni Neeya habang titig na titig kay Eye.

"Sige sa isang kondisyon." sabi ni Eye.

"Ano po iyon?" sabi ni Nicolo.

"Kiss niyo muna at yakap si tita." sabi ni Eye na ikinangiti ng magkakapatid saka tumayo ang mga ito at niyakap si Eye.

"Ang sarap naman." masayang sabi ni Eye ng yakapin siya ng mag bata.


Napaiwas ng tingin si Katara ng makaramdam ito ng selos at inggit.

"Pasali." sabi ni Amon saka ito lumapit kay Eye at sa tatlong bata at nakiyakap.

Napalunok si Katara at tumalikod ito ng makita ang ginawa ni Amon at Eye sa mga anak niya.

"Puwede po bang nanay ka namin?" sabi bigla ni Nicolo na ikinatigil ng lahat at ikinahinto ni Katara sa akmang pagpunta sa kuwarto.

"Ha?" sabi ni Eye na hindi inaasahan ang sasabihin ni Nicolo.


"May daddy na kami, may papa tapos may tatay pa. So, isip ko bakit po isa lang mama dapat kompletuhin natin, may nanay din."
sabi ni Nicolo.

"Ahhhm. Puwede." sabi ni Eye saka ito napangiti na ikinatingin ni Amon kay Eye.

"Yes. Kuwento ka na po." sabi ni Nicolo.

Napatingin si Eye kay Amon saka umusal.

"Ang galing mukhang tanggap nila ako." nakangiting sabi ni Eye na ikinalunok ni Amon sabay lihim na pinagmasdan si Katara na nakatalikod at napatigil sa pagpunta sa kuwarto ng mga ito.

"Nanay, puwede iyong palaka ang kuwento mo." sabi ni Nicel na ikinangiti ni Eye.


"Sure."
sabi ni Eye sabay kalabit ng pasimple kay Amon na ikinatingin ni Amon kay Eye.

Pagkatingin ni Amon sumenyas si Eye sabay nguso kay Katara.

"Tita, lipat natin iyong station." sabi ni Nicolo.

"Sige." sabi ni Eye sabay tapik kay Amon.

Napahingang malalim si Amon saka ito tumayo pero naglakad na si Katara hindi sa kuwarto kundi papunta sa likod bahay.

"Sundan mo na." mahinang sabi ni Eye kay Amon.

Napatingin naman si Neeya kay Eye at Amon saka ito nagtaka pero nanatili itong tahimik.

"Ano ba talaga ang gusto niyo? Manonood ng tv o kukuwentuhan ko kayo?" nakangiting sabi ni Eye sabay yakap sa tatlong bata.

Napalingon pa si Katara sa sinabi ni Eye at napalunok ito ng makita ang yakapan ng mga ito pero sa pagtingin niya kay Amon nagulat siya ng nakatayo na ito at nakatingin sa kanya kaya naman mabilis siyang tumalikod at pumunta sa likod bahay

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon