Kabanata 23 : Isang Panganib sa Plano

305 57 16
                                    


Kabanata 23 : Isang Panganib sa Plano


"Jamal? Huh! Ako ba ginagago mo?" sabi ni Amon na hindi makapaniwala na tatawagan siya nito. Iba kasi ang nasa isip niya na gagawin nito.

"Amon, alam kong noong nasa palasyo ka inimbestigahan mo ako at alam kong alam mo na kung sino ako." sabi ni Jamal na ikinatahimik ni Amon sa kabilang linya.


".....kaya huwag kang magulat kung buhay ako, kasi buhay ka rin. Kaya dapat magpasalamat ka kay Aj dahil buhay ka."
sabi ni Jamal.


"Hindi ko kailangan ang mga anak mo."
sabi ni Amon na inilihis ang usapan.

"Kaya hindi mo kinuha si Katara dahil alam mong mawawala din ako sa buhay niya. Tama di ba?" sabi ni Jamal.


"Hahahaha! Hindi ko kasalanan ang bagay na ginawa mo, o baka isisisi niyo rin sa akin?"
sabi ni Amon.

"Pinapahirapan mo siya." sabi ni Jamal.


"Ikaw ang nagpahirap sa kanya ng sumingit ka sa aming dalawa."
sabi ni Amon na ikinatahimik ni Jamal sa kabilang linya.

Napangisi si Amon ng tumahimik si Jamal sa kabilang linya, alam niyang may plano at ang plano hindi niya pinigilan maganap.

"Dapat sinabay mo na sa pagkamatay mo ang mga anak mo para wala ng problema." sabi ni Amon.


"Ayoko mahirapan si Katara, alam mong mahal ko siya."
sabi ni Jamal.

"Mas malupit ka nga sa akin. Biruin mo, alam mo ang tungkulin mo bilang ministro pero talagang sinugal mo para maging masaya ka kahit alam mong sa huli si Katara ang magsasakrispisyo. Mga bagay at pangyayari na akala ng lahat ako ang masama pero ang totoo kayo ang masama. Ang mga plano na nakatadhana ikaw, si Aj at ang iba pa na anghel mata ng lahat. Huh! Pero ako mananatiling masama sa lahat."
sabi ni Amon.


"Nagiging masama ka kasi hindi mo alam kung paano kumilos ng tama."
sabi ni Jamal.

"Huwag mo akong turuan kasi alam natin na hindi mo rin alam isabuhay ang mga sinasabi mo." sabi ni Amon.


"Amon, nakikiusap na ako. Kahit hindi mo na ituring na mga anak ang mga anak ko basta huwag mo lang ihiwalay kay Katara. At saka...."
udlot na sabi ni Jamal ng magsalita si Amon.


"At saka ano? Huh! Kaya mo nakuhang tanggapin ang mga anak ko, para konsensyahin si Katara. Para ano pa? Para nga naman ihambing niya ako sayo na alam mong malabong magkatulad tayo.

Nagtayo ka ng rebulto mo sa buhay ni Katara para nga naman hindi ka niya malimutan, pero ang totoo ginamit mo lang ang mga anak ko lalo na si Neeya. O, baka hindi pa alam ni Aj na pinalano mo talaga pasukin ang grupo namin, at si Peso ang nakita mo ng una para nga naman makuha mo rin ang Axis.

Sino ka nga ba talaga Jamal? O baka gusto mo sabihin ko sayo ang lahat ng nalalaman ko." sabi ni Amon.

"Amon, tumawag ako para sa mag-iina ko, at hindi para sa akin." sabi ni Jamal.


"Hindi mo sila mag-iina dahil sa una pa lang akin na si Katara."
sabi ni Amon.


"Amon..."
sabi ni Jamal.


"Prince Jamal, akala mo ba hindi pa nagtataka ang pamilya ko lalo na at ang dugo ng anak mong naospital ay dugong bughaw."
sabi ni Amon.


"Wala akong balak, Ministro ako ng palasyo."
sabi ni Jamal.

"Tahimik lang si Alex at Rio na malamang nanahimik kasi ayaw ng makisali sa gulo. Sino ba naman kasi hindi matatakot na mawalan ng asawa?

Alam kong tikom na ang bibig ni Alex at kaya nga hindi na rin umuwi si Burn ng bansa kasi ayaw niya ng gulo. Bakit? Takot silang madamay ang mag-iina nila. Eh, ikaw Jamal. Ikaw mismo ang naglagay sa mag-iina mo sa peligro.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon