Kabanata 7 : Pakiusap ng isang Kawangis

362 53 16
                                    

Kabanata 7 : Pakiusap ng Isang Kawangis

Canmore Palace

Two Days Later


"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok at sino nagpapasok sayo?" galit na sabi ni Amon ng makita nito si Aj na hallway ng palasyo na halatang hinihintay siya nito.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" seryosong sabi ni Aj na ikinatalim ng tingin ni Amon at hindi ito sumagot sa balik na tanong ni Aj sa kanya.

Namuo ang luha sa mga mata ni Aj saka ito galit na sumigaw.

"Sumagot ka anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Aj.

"Ginaya mo ako para makapasok ka." nakangising sabi ni Amon ng makita ang porma ni Aj pati ayos ng buhok at siyempre hindi pa rin ito nag-aalis ng balbas. Pati nga yata kilos niya ginaya na rin nito.

"Nagluluksa ang mag-ina mo sa pagkawala ng anak mo pero ikaw nandito ka pa rin." sabi ni Aj habang nakatitig kay Amon.

"Naroroon ang pamilya niya. Hindi ako kailangan doon." sabi ni Amon pero nagulat ito ng mabilis na nakalapit si Aj sabay kinuwelyuhan siya.

"Hindi kailangan? Amon, hindi ka rin nila kailangan dito pero siniksik mo ang sarili mo sa lugar na ayaw sayo.... na hindi sayo." diin na sabi ni Aj na nagpipigil ng luha.

"May trabaho ako." sabi ni Amon habang nakipagtitigan kay Aj.

"May trabaho ka? Ano? Ang hanapin ang pumatay sa anak mo? Pagkatapos ano? Papatayin mo rin para quits, ganoon lang?" sabi ni Aj.

"Huwag mo akong man..." udlot na sabi ni Amon ng bigla siyang suntukin ni Aj habang hawak siya nito sa kuwelyo.

"Hindi kita minamanduhan. Tangna Amon! Tulungan mo ako kasi hindi ko kayo mababantayan lahat!" sigaw ni Aj saka nito sinuntok muli si Amon.

"Fuck! Hindi ko sinabing bantayan mo kaming lahat! Hindi mo ako obligasyon, hindi mo kami anak at mas lalong hindi ka naman leader, at hindi mo kami tauhan!" sigaw ni Amon pero muli itong nagulat ng sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Aj sa mukha niya.


"Fuck! Amon, gumising ka! Kailangan ka ng mag-ina mo. Kailangan ka ng anak mo, kahit sa uli kilalanin mo naman!"
sigaw na pagalit na sabi ni Aj.

"Damn you!" sigaw ni Amon saka ito gumanti ng suntok kay Aj na ikinabuwal ni Aj saka umusal si Amon habang patuloy sa pagsuntok kay Aj.

"....ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Nilesh. Ikaw ang nagsimula ng gulo, ikaw at ang grupo mo na patuloy mong tinatago at pinagtatanggol." galit na sabi ni Amon habang patuloy sa pagsuntok.

Nakabawi naman si Aj saka ito gumanti ng suntok at sumagot sa paratang ni Amon.

"Tumigil ka! Pinatay nila ang anak mo dahil wala ka sa tabi niya. Bakit mo ako sisisihin sa bagay na ginawa mo? Sa mga pagkukulang mo." galit na sabi ni Aj habang gumaganti ng suntok kay Amon.

"Sino ba dapat sisihin, Aj? Napunta ako dito dahil sayo dahil pinain mo si Katara. Wala siya dapat dito kaso nilandi mo siya, inuto mo siya at gumawa ka ng paraan para sumunod siya sayo at para iwan ako.

Ngayon sino ang nagmamaniobra? Ikaw ang nagplano ng lahat mula sa pagpasok ni Katara, sa pagiging preso ko, at pagiging alipin niya. Sa pagbibigay ng pagkakataon kay Jan Carl na makipagsabwatan sa akin para magawa ang plano. Lahat iyon ikaw ang gumawa, ikaw ang nagningas para ang lahat ay sumunod sa mga nais mo." sabi ni Amon.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon