Pakifollow po ang FB Page. Salamat...
...................
Kabanata 34 : Girls
El Paradiso
3.00 PM
"Asar." inis na sabi ni Katara ng hindi makontak si Amon.
Nakatingin lang si Neeya sa ina, halatang naiinis na ang ina at kinakabahan dahil wala pa si Nicel. Nakatulog na si Nicolo sa sala, nakakain na sila ng tanghalian kanina wala pa rin sila Amon at si Nicel.
Napatingin naman si Katara sa anak saka ito umusal
"Dito ka lang, dahil hindi ko hihintayin ang bente kuwatro oras para masabing nawawala ang kapatid mo." sabi ni Katara saka ito tumayo.
"Kinakabahan ka po." sabi ni Neeya na ikinahinto ni Katara sa akmang pag-alis.
"Nanay ako kaya kakabahan ako kapag wala ang anak ko sa tabi ko." sabi ni Katara.
"Nanay ka pero sino ba ang kasama ng anak mo?" sabi ni Neeya"Neeya, ang pagsagot mo ayusin mo." sabi ni Katara.
"Mama, kaya hindi rin kayo nagclick ni tatay kasi lagi kang may doubt. Na parang sinasabi mo na kasi na may gagawin siyang masama kahit wala pa naman kaya ang tendency ginagawa na niya ang nasa utak mo." sabi ni Neeya.
"Hindi mo kilala ang tatay mo." sabi ni Katara.
"Hindi ka rin niya kilala, at tama siguro na hindi mo siya kilala. Tama rin siguro na tama ang naiisip niya kasi nga naman lahat ng ginagawa niya mali sa mga mata mo. Lahat ng atensyon nasa kanya pero naguguluhan siya bakit hindi niya makuha ang atensyon mo, kahit alam niyang mahal mo siya. O baka ang tanong mama.... minahal mo ba ang tatay ko?" sabi ni Neeya na ikinamula ng mukha ni Katara sa tahasang sabi ni Neeya.
"Tumigil ka at matuto kang gumalang." sabi ni Katara.
"Natatakot ka, iyon ang nakikita ko sayo. Natatakot ka rin sa akin na baka matulad ako kay tatay? Kaya noong nabubuhay si Nilesh, si daddy ang lagi may dala sa kanya kasi takot ka. Takot ka harapin ang taong mahal mo."sabi ni Neeya.
"Tama na, sumosobra ka na." sabi ni Katara."Takot ka rin kasi baguhin ang taong mahal mo sa kung ano siya dahil ang totoo minahal mo siya sa maling nakikita mo sa kanya. Kaya hindi mo mabago at ayaw mong baguhin kasi sa pakiramdam mo okay siya kasi doon mo siya minahal." sabi ni Neeya na ikinalapit ni Katara sa anak sabay hawak sa braso ni Neeya na ikinatayo ni Neeya sa pagkakaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...