Kabanata 22 : Envelope
Kinabukasan
"Mama, kumain na po kayo." sabi ni Neeya sa ina habang inaayos ni Katara ang dalawang anak na lalaki na dala ng pagod mahimbing ang tulog.
"Mamaya na, anak." sabi ni Katara na napangiti sa anak na ilang araw din niya hindi nakita.
"Mama." sabi ni Neeya.
"Bakit anak?" sabi ni Katara.
Lumapit si Neeya sa ina at umupo ito sa kama.
"Malungkot ka?" sabi ni Neeya na ikinangiti ni Katara.
"Oo, pero may dahilan para sumaya." sabi ni Katara.
"Gusto mo ng umuwi tayo." sabi ni Neeya.
"Oo, kaso natatakot ako na baka hindi kita makuha." sabi ni Katara.
"Bakit naman po?" sabi ni Neeya.
"Kasi mayaman ang totoo mong ama, at wala akong laban kapag kinuha ka niya." sabi ni Katara.
"May iniwan si Daddy sayo, sabi nga sa Isla Verde mayaman ka na daw." sabi ni Neeya.
"Hindi akin ang kayamanan kundi sa Daddy mo at anytime puwede tayo paalisin doon." sabi ni Katara.
"Paalisin? Bakit naman po Mama? Asawa mo si Daddy at may anak siya sayo kaya sayo iyon." sabi ni Neeya na ikinahingang malalim ni Katara. Bata pa ang anak niya kaya alam niyang maguguluhan ito, lalo at maraming itatanong kung malaman nito na may prenuptial agreement sila ni Jamal at sa ngayon hindi niya alam kung sino nga ba ang hahawak ng mga pag-aari ni Jamal, kaya naman hinahanda ni Katara ang sarili niya dahil alam niya paaalisin sila ng kung sino."Mama." sabi ni Neeya ng hindi sumagot si Katara.
Napangiti si Katara saka nito nilapitan si Neeya at niyakap.
"Gagawin ko ang lahat para manatili tayo kompleto. Ayokong magbago ka at kalimutan ang mga tinuro ng daddy mo. Natatakot ako dahil sa haba pa ng lalakbayin mo sa buhay baka makalimot ka na minsan may Jamal na dumating sa atin." napaluhang sabi ni Katara.
"Mama, huwag ka na pong umiyak. Hmmmm! Magbibirthday na po ako at pangako kada taon na dadagdag sa edad ko hindi ko makakalimutan ang mga turo ni daddy." sabi ni Neeya.
"Sana nga anak, at gusto ko maging masaya ka kahit na wala ang Daddy mo." sabi ni Katara.
.....................
Amon's House Office
Quezon City
"Sir, may iniwan na dokumento si Ministro Jamal sa asawa niya pero mukhang hindi pa binubuksan ni Maam Katara." sabi ng tauhan ni Amon.
"Anong dokumento?" sabi ni Amon habang nakaupo ito sa harap ng mesa sa loob ng opisina nito sa mansion ng umagang iyon.
"Ang sabi ng source, ang prenup ni Ministro sa asawa niya ay nabago. Ang dokumento na ibibigay dapat ni Ministro ng gabi bago siya namatay ay papeles ng mga ari-arian nito na iniwan sa Pinas."sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon.
"Nasaan nakatago? Saan dinala kung dala nga niya noong gabi bago siya namatay?"sai ni Amon."Nagtungo ang dalawa sa condo matapos magdinner, so tingin ko po kung hindi sa kotse nasa loob ng condo ng mag-asawa." sabi ng tauhan na ikinangiti ni Amon.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomantikAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...