Kabanata 29 : Bagong Simula

273 41 6
                                    


Kabanata 29 : Bagong Simula

Porto, Portugal


"Hala." sabi ni Katara ng makita si Amon na nakatulog sa kama.

Kinausap pa kasi siya ng room attendant kanina ng saktong paglabas niya ng food cart at dahil hirap siyang unawain ito kaya natagalan siya sa pakikipag-usap.

Kaya ngayon pagpasok niya nagulat siya sa nadatnan. Nakahiga kasi si Amon sa kama habang nasa dibdib nito si Nicel nakahiga. Katabi ni Amon si Nicolo at katabi ni Nicolo si Neeya.

"Naku! Baka magtatapos na ang mundo." sabi ni Katara sabay tingin sa paligid.

"Baka lumindol at gumunaw na." sabi pa ni Katara sabay sign of the cross nito.

Samantalang napadilat ng mata si Amon, at sakto nakita nito ang ginawa ni Katara na napapikit pa at nagdarasal.

"Diyos ko, patawarin mo ang lalaking iyan may sayad kaya ganyan. Hindi naman siguro niya kasalanan na baliw ang angkan niya. Nasa dugo nila iyon malay ba niyang isisilang siya sa angkan na may tililing." sabi ni Katara na napalakas ang panalangin.

"Kapag nagunaw ang mundo ngayon huwag Niyo po siyang lagyan ng sungay kasi magtataka si Nilesh kapag nakita niya ang mukha niya sa future at baka iyong baby kong anghel biglang sapian." sabi pa ni Katara.

Napangisi si Amon ng marinig ang dalangin ni Katara.

"Pssst! Sleep ka lang." mahinang sabi ni Neeya na ikinatingin ni Amon sa anak.

Nakabukas ang isang mata ni Neeya habang yakap nito si Nicolo.

"Hayaan mo lang si Mama magsalita." mahinang sabi ni Neeya.

"Ha?" sabi ni Amon.


"Kapag nalaman niyang gising ka papaalisin ka niya diyan. Ikaw din matutulog ka sa sofa."
mahinang sabi ni Neeya.

"Ahh! Okay." sabi ni Amon saka ito pumikit at nagkunwaring tulog.

"Iyan ganyan nga makinig ka sa akin." nakangiting sabi ni Neeya saka muling pumikit na ikinangiti ni Amon.

"Lord, kapag nagunaw po ang mundo sana yakap ko ang mga anak ko, at kapag nagkaroon ng ikalawang buhay sa mundong bubuuin niyo sana po sila pa rin ang kasama ko." mahinang dalangin ni Katara saka ito napangiti.

Napamulat ang mga mata ni Katara matapos magdasal saka nilapitan ang mga anak sa kama.

Pinagmasdan ni Katara ang mga anak, himbing ang tulog ng mga ito nakadapa pa si Nicel sa dibdib ni Amon na ikinangiti niya.


"Namimiss mo na si Daddy mo."
sabi ni Katara kay Nicel saka ito napahingang malalim at muling umusal.


"Ako din. Namimis ko na siya, gusto ko siya makita. Sana magkaroon ng himala para bumalik siya."
sabi ni Katara pero nagulat ito ng biglang gumalaw si Amon at binago nito ang puwesto ni Nicel pinatagilid iyon ni Amon at niyakap iyon ng mahigpit na halos hindi na niya makita ang anak sa pagkakayakap nito.

Napangisi ng lihim si Amon ng marinig ang sinabi ni Katara kaya gumalaw siya pero nagkunwaring tulog.

"Tatakpan ko muna ang mukha ni Jamal." sabi ni Amon sa isip ng yakapin si Nicel.

Nang magbago ang puwesto ni Amon napakunot noo si Katara ng matakpan ni Amon ang mukha ni Nicel kaya napabaling ang tingin ni Katara kay Amon.

Pinagmasdan ni Katara ang mukha ni Amon, kamukhang kamukha ito ng anak niyang si Nilesh. Kung tutuusin nga carbon copy talaga ni Nilesh si Amon, mukha pa ngang mas kambal ni Nilesh si Blue kaysa kay Nicel.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon