Kabanata 11 : Pasasalamat

264 40 4
                                    

Kabanata 11 : Pasasalamat

Blaze Hotel, Manila


"Kaya mo iyan?" lasing na tanong ni Haco kay Katara ng magawi sila sa fountain area ng bar sa loob ng hotel na iyon.

"Oo." sabi ni Katara na dala ng kalasingan wala na ito sa katinuan sa ginagawa nito.

"Sige nga." sabi ni Haco habang inaalalayan nito si Katara palapit sa gitna ng bar kung saan nakalagay ang fountain.

"Alak ba talaga ito?" palasing na sabi ni Katara.

"Oo. Ako ang nakaisip niyan na ilagay sa bar na ito para blessing." sabi ni Haco na kanina pa pinagtitinginan ng mga tauhan nito sa bar na iyon sa loob ng Blaze Hotel.

Napangisi si Katara sabay tingin sa paligid, maliit ang bar o sumakop nga lamang sa dalawang private room ng hotel. Pasadya ang lugar sa ikalimang palapag ng gusali. Tago, sikreto na aakalain mo sa labas pangkaraniwang unit lamang pero hindi, kasi pagpasok mo makikita mo ang kakaibang lugar, maihahambing sa El Emperio Bar iyon nga lang dahil sa liit ng lugar pakiramdam ni Katara mas masaya dahil mas buo ang ingay, ang tugtog at ang kasiyahan ay mas maririnig mo.

Bukod doon sa liit ng espasyo halos magkayakapan na ang mga tao tulad ngayon halos yakap siya ni Haco habang pinoprotektahan sa ibang bar hoppers na tulad nitong mayaman.

Masaya para sa kanya dahil pakiramdam niya yakap siya ng lahat at nakikidalamhati.

"Masarap iyan sure ka?" lasing na sabi ni Katara.

"Oo naman hindi naman ako maglalagay ng cheap sa hotel ko." maangas na sabi ni Haco na kanina pa rin dinidikitan ng mga mayayamang babaeng na nasa bar na iyon kaso nakapokos ito kay Katara para proteksyunan sa mga mayayamang lalaki na tulad niya na ang habol sa bar na iyon ay one-night stand.

"O sige." sabi ni Katara saka nito inilapit ang mukha sa fountain ng alak at inilabas nito ang dila para lasahan ang naturang likido.

"Ohhh!" sigawan ng mga kalalakihan sa bar na iyon sa ginawa ni Katara.

"Masarap nga." nakangiting sabi ni Katara saka ito umupo sa balustre ng fountain at tumingala para lasahan pa lalo ang alak.

"Whoahh! Hot chicks." sabi ng mga foreigner sa naturang bar habang nakatingin sa date ng may-ari ng hotel na iyon.

Napangiti si Katara saka nito tiningnan ang mga dayuhan, sa pagtingin ni Katar ng may maalala ito sa paraan ng pagsasalita ng mga dayuhan.

"Hello." sabi ng lalaki kay Katara, kahit na kasama ni Katara si Haco na ikinatingin ni Haco sa lalaki.

Napatitig si Katara sa lalaki, isang arabo, ang pagsasalita may hawig kay Jamal siguro dahil sa punto nito.

Napatitig si Haco kay Katara ng magbago ang awra ng babae. Lumungkot kasi ang mga mata nito.

"Malungkot ka?" sabi ni Haco na ikinatingin ni Katara dito.

"Oo. Namimiss ko na naman si Jamal." sabi ni Katara na ikinangiti ni Haco.

"Puwede mo naman ako kausapin." nakangiting sabi ni Haco na halos mawala ang singkit nitong mga mata na ikinatitig ni Katara sa lalaking halos ilang taon na mas bata sa kanya.

"Kausap na kita, at kasama." sabi ni Katara.

"Pero nakikita mo sila kaya malungkot ka." sabi ni Haco.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon