Kabanata 19 : Pagbabalik

337 46 4
                                    

Kabanata 19 : Pagbabalik

Infinity Island


"Nasaan ka?"
seryosong sabi ni Hestia ng matawagan nito si Aj.

"Bakit?" sabi ni Aj na ikinataas ng kilay ni Hestia.


"Anong bakit? Ilang araw o buwan ka na naman hindi nagpakita."
sabi ni Hestia.

"Anong kailangan mo?" seryosong sabi ni Aj na ikinangisi ni Hestia.


"Nasaan ka?"
ulit na tanong ni Hestia na hindi sinagot ang tanong ni AJ.

"Busy ako." sabi ni Aj na napangisi ng mahalatang naiinis na ang tono ni Hestia.

"Busy ka? So, ako na lang ang pupunta sayo." sabi ni Hestia.

"Mag-alaga ka na lang ng anak." sabi ni AJ.

"Buweset ka! Nasaan ka na naman ba?" inis ng sabi ni Hestia.

"Hahaha! Nakaupo na sa trono." natawang sabi ni Aj ng sumigaw si Hestia, na ikinakunot naman ng noo ni Hestia.

"Trono? Nakaupo?" inis na sabi ni Hestia.


"OO. Hayss! Ang sarap pala dito, maraming chicks na kumekendeng."
sabi ni Aj na ikinahingang malalim ni Hestia.


"May kasama ka?"
sabi ni Hestia.


"Oo."
sabi ni Aj.

"Albaghaya?" sabi ni Hestia ng marinig ang tugtog ng pagdiriwang sa palasyo.

Alam ni Hestia ang nadidinig niya sa kabilang linya at sigurado siya Canmore Palace ang lugar kung nasaan si Aj.


"Oo."
natawang sabi ni AJ.

"Sandali ka lang. Hintayin mo lang ako." sabi ni Hestia saka nito binaba ang tawag na ikinatawa ni Aj.

"Hahaha!" natawang reaksyon ni Aj sa nahalatang galit sa boses ni Hestia.

Pagbaba ng tawag ni Hestia naulinigan pa niya ang malakas na tawa ni Aj na ikinataas ng kilay niya.

"Nasa Palasyo ka na, mukhang handa ka na My King." sabi ni Hestia saka ito tiningnan si Blue na natutulog sa kama.

Napahingang malalim si Hestia ng makita ang payapang tulog ng anak.

"Haysss! Ano naman kaya balak ng tatay mo? Nahanap na kaya niya ang kapatid mo? Kamusta na kaya si Red? Nasaan na kaya siya?" sabi ni Hestia na nakaramdam ng lungkot.

................

Tokyo, Japan

"Kamusta? Kailan ang laban niya?" sabi ng isang tinig na ikinakunot noo ni Peso dahil Pilipino ang nagsalita.

Lilingon na sana si Peso sa pag-aakalang siya ang kausap nito ng may biglang sumagot sa tanong ng unang nagsalita.

"Wala pang sked dahil mukhang hindi pa daw desidido si Shiloh na lumaban uli." sabi ng kausap ng unang tinig na ikinapagtaka ni Peso dahil wikang Pilipino ang ginamit nito.

"Sigurado naman lalaban iyon." sabi ng unang tinig.

"Tama kapag nalaman niya na si Haji ang makakalaban niya." sabi ng ikalawang tinig.

"Sino sila?" mahinang sabi ni Peso at dala ng kuryusidad dahan-dahan ito lumingon pero nasa aktong haharap siya sa mga nag-uusap ng may humila sa kanya na ikinagulat niya.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon