Kabanata 2 : Unselfish Love
One Hour Later
"Mamaya na." masayang sabi ni Katara habang nakadungaw ito sa barko at si Jamal ay yakap siya sa likuran niya.
"Anong mamaya? Ngayon na." sabi ni Jamal sabay mahigpit na niyakap ang baywang ni Katara at sinamyo ang leeg ng asawa."Baka mabuntis na naman ako." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Ano naman ngayon? Ilang taon na ang kambal natin." sabi ni Jamal.
"Apat na ang anak natin." sabi ni Katara."So?" sabi ni Jamal.
"Baka mahirapan tayo magpalaki." sabi ni Katara.
"Hindi rin dahil kung magtutulungan tayo kaya natin i-guide sila sa tama." sabi ni Jamal.
Napangiti si Katara, ilang taon na silang kasal ni Jamal at sa mga taon na iyon hindi ito nagbabago ng pakikitungo sa kanya bagay na kada araw naiinlove siya lalo sa asawa."Isa na lang tapos, okay na." sabi ni Jamal.
"Isa na lang... hmmmn. Okay, so boy or girl?" sabi ni Katara.
"Kahit ano? Pero kung papipiliin ako gusto ko girl para eldest at youngest natin mga babae." sabi ni JamalMuling napangiti si Katara, maglilimang taon na si Neeya, ang anak niya sa una niyang asawa pero ang turing ni Jamal dito tunay na anak bagay na hindi nagbabago simula ng masilayan ni Jamal si Neeya sa mundo kung saan si Jamal ang nagpaanak sa kanya.
"Okay sige. Pero huwag dito kasi nandito ang grupo baka mamboso." birong natawang sabi ni Katara.
Napangiti si Jamal, ang grupo na sinasabi ni Katara ay grupo ng ex-husband nito na kahit na wala ng kaugnayan si Katara kay Amon naging malapit ito sa pagsasama nila. Hindi nga inaakala ni Jamal na magiging mabait ang grupo sa kanya na para sa kanya isa iyong blessing. Sa lahat ng okasyon nga ng grupo imbitado sila ni Katara na malugod naman nilang dinadaluhan.
Wala naman kasi masama lalo na at ama pa rin ni Neeya si Amon. Iyon nga lang hindi pa nagsasama ang dalawa ng matagalan kaya para kay Jamal sa kanya na si Neeya kaya inako na niya itong sariling anak.
"Saan mo gusto?" sabi ni Jamal.
Napatingin si Katara kay Jamal saka ito ngumiti.
Sa pagtingin ni Katara kay Jamal wala siyang pagsisising nadarama bagkus isang masayang sandali kada segundo ang nararamdaman niya tuwing magkasama sila ni Jamal.
"Pag-uwi natin." sabi ni Katara.
"Okay." sabi ni Jamal sabay halik sa labi ni Katara na ikinapikit ni Katara.
Samantalang sa taas ng palapag ng barko kung saan tanaw ang puwesto nila Katara at Jamal pinagmamasdan ni Amon ang dalawa kanina pa.
"Mama." sabi ng tinig na ikinatingin ni Amon at ikinatigil sa halikan ng mag-asawa.
"Bunso." sabi ni Jamal saka nito binuhat ang dalawang taong gulang na bata na bitbit ng yaya nito.
"Sir, makulit kanina pa po kayo hinahanap." sabi ng yaya.
Mula sa kinatatayuan napangisi si Amon ng makita ang batang lalaki na ngayo'y buhat na ni Jamal.
Samantalang napatitig naman si Katara sa batang lalaki ng yakapin ito ni Jamal.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
Lãng mạnAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...