Kabanata 39 : Repleksiyon
Ikalawang Bayan, El Paradiso
"Okay lang, sanay na ako pero sa pagkakataon na ito sisiguraduhin ko lalaban na ako para sa magiging anak namin, tulad ng paglaban ng mga magulang namin para maging buo ang pamilya namin alang-alang sa amin." sabi ni Amon."Asa ka, iiwan ka niyan. Mukhang pera iyan." sabi ni Katara na napangisi sa inis na nadama na hindi nito maitago.
"Iniwan mo rin naman ako, sinundan kita pero iniwan mo ako. Kaya ngayon tataya ako sa iniwan din ako." sabi ni Amon.
"Bahala ka, basta sinabihan kita." sabi ni Katara saka ito nagpatuloy maglaba.
"Oo." tipid na sagot ni Amon saka ito nagpatuloy din sa paglalaba na ikinatingin ng pasimple ni Katara dito.
"Susugal sa mukhang pera pa." pabulong na sabi ni Katara na ikinangiti ni Amon ng palihim ng marinig ang sinabi ni Katara.
....................
Hours Later
"Hala! Basang basa ka." sabi ni Eye ng makita si Amon.
"Naglaba kami, tapos sinama ko na ang labahan natin." sabi ni Amon kay Eye na ikinanlaki ng mata ni Eye.
"Iyong labahan natin sinabay mo?" di makapaniwalang sabi ni Eye na namula ang mukha.
Umiwas ng tingin si Katara saka ito nagpatuloy sa kusina para maghanda ng mailuluto para sa dinner.
"Oo masama ba?" sabi ni Amon na natatawa pa.
"Uyy! May panty ako doon." sabi ni Eye sabay hampas kay Amon na ikinalunok ni Katara sa harutan ng dalawa."Haharot, tatanda na mga pabebe pa rin." sabi ni Katara sa isip.
"Okay lang iyon." sabi ni Amon sabay pakita ng kamay kay Eye na ikinanlaki ng mga mata ng babae.
"Hala! Puro sugat ang kamay mo." sabi ni Eye sabay hawak sa kamay ni
Napatingin si Katara sa dalawa. Umalis si Amon kanina habang patapos na magsabon ng labahan ang akala ni Katara hindi na ito babalik pero ilang minuto lang ang lumipas ng bumalik ang lalaki at may dalang labahan at sinabing makikilaba ng labahan nito at ang hindi niya inaasahan pati labahan ni Eye dala nito.
Umupo si Amon sa pinagsabunan habang nakamasid lang si Katara at hindi sukat akalain ni Katara ng labhan nga ni Amon ang damit nito at ng nobya nito na hindi man lang nahiya. Natagalan pa si Amon sa paglalaba sa panloob ni Eye habang ngumingiti ito na ikinahingang malalim ni Katara ng makaramdam ng inis dahil halata naman ang iniisip na kamanyakan ni Amon habang nilalabhan ang salawal ng nobya nito.
"Hahaha! Okay lang iyon." sabi ni Amon."Manyak kasi kaya okay lang." mahinang sabi ni Katara na ikinatigil ni Eye sa talas ng pandinig niya narinig niya ang bulong na iyon.
Napangisi naman si Amon ng tumigil si Eye dahil ngayon nahinuha niya certified nga na tsismosa ito na matalas ang pandinig.
Napangiti si Eye ng pilya ng may maisip. Tumingin si Eye kay Amon saka nito ikinawit ang kamay sa leeg ng lalaki.
"Sabagay, magpractice ka na kasi nag-eensayo na rin ako maging magbahay mo, at ang totoo napatulog ko ang tatlong makukulit na bata." napangiting sabi ni Eye na ikinahinto ni Katara sa pagkuha ng sibuyas,at bawang sa sisidlan ng mahinuha na tumahimik nga ang paligid at hindi na niya marinig ang mga anak.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...