Kabanata 3 : Perfect Unperfect Love

398 57 22
                                    


Kabanata 3 : Perfect Unperfect Love


Agape Cruise Ship

"Natulog din." sabi ni Katara matapos mapadede ang bunsong anak na kanina pa nagwawala.

"Napagod kakaiyak." sabi ni Jamal habang inaayos nito sa crib ang isa sa kambal.

"Kakaiyak? O kakawala?" nakangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal .

"Parehas." sabi ni Jamal.

"Napagod ka ba magsaway?" sabi ni Katara.

"Hmmmm! Hindi naman. Siguro mas okay pa nga nagwala siya para makapunta na tayo sa kuwarto." sabi ni Jamal.

"Sabagay, ito ang isa sa ayaw ko sa party nakakapagod din magsaya at makihalubilo." sabi ni Katara na tumayo mula sa pagkakaupo sa kama buhat ang bunsong anak na tulog na.

"Hindi ka pa ba sanay?" sabi ni Jamal sabay tingin kay Katara na palapit sa kanya para ilapag ang isang kambal sa crib.

"Hindi yata ako masasanay." sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal ng makalapit ito sa asawa.

"...kailangan ba masanay ako?" sabi pa ni Katara na ikinangiti ni Jamal.

"Hindi naman dahil mas masaya na ako kung ano ka at sino ka." sabi ni Jamal.

"Alam ko ng iyan ang sasabihin mo." napangiting sabi ni Katara matapos ilapag ang sanggol sa crib.

"Dahil alam mo naman na mahal na mahal kita." sabi ni Jamal.

"Oo naman." sabi ni Katara saka ito pumunta sa kama at nahiga na ikinangiti ni Jamal.

"Matutulog ka na ba?" sabi ni Jamal ng mahiga na si Katara sa kama nila.

"Oo hanggang walang nagwawala." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal ng nagawang maghubad ng damit ni Katara habang nakahiga sa bed.

"Hahaha! Mukhang namiss mo ang bed." sabi ni Jamal.

Napangiti si Katara saka ito pilyang ngumiti.

"Mas namiss kita kaya tumabi ka na sa akin." sabi ni Katara matapos nito hubarin ang damit at ang tanging tinira ay panloob nito.

"Okay." pilyong sabi ni Jamal at nagmamadali itong naghubad ng damit.

"Hahaha! Magtira ka kasi matutulog na tayo." natawang sabi ni Katara na ikinangisi ni Jamal na tanging panloob din ang tinira.

"Okay sleep muna." napangiting sabi ni Jamal saka nito tinabihan si Katara sa kama.

"Hmmn. Yakap." sabi ni Katara ng makatabi si Jamal.

"Sure." sabi ni Jamal saka nito inayos si Katara.

Pinaunan ni Jamal ang ulo ni Katara sa balikat niya at niyakap ito.

"Hmmm. Kapag ganito ang puwesto natin pakiramdam ko ligtas ako." sabi ni Katara sabay siksik ng ulo sa dibdib ni Jamal habang yakap siya ng asawa.

"Ako naman kapag ganito ang puwesto natin pakiramdam ko tahimik, payapa at ang sarap sa pakiramdam." sabi ni Jamal sabay halik sa ulo ni Katara.

"Ang suwerte ko dahil natagpuan kita." sabi ni Katara.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon