Kabanata 27 : Mahalagang Laro

280 47 3
                                    


Kabanata 27 : Mahalagang Laro

Porto, Portugal


"Mauna kang pumasok." sabi ni Katara habang hinihingal ito.

Napakunot noo si Amon ng lumingon si Katara ng may kausapin ito.

"Okay." sabi ng tinig sabay hawi sa pintuan sa maliit na pagkakabukas ni Katara kanina.

"Salamat ha." nakangiting sabi ni Katara ng maunang pumasok ang lalaki at nasa likuran siya nito.

"Wala iyon." sabi ng lalaki sabay tingin sa unit ng mapangiti ito.

"Hi." nakangiting sabi ni Neeya sa lalaki.

"Hello, Amonia." nakangiting sabi ng lalaki na ikinangiti ni Neeya.


"Kamusta po, Tito Haco."
sabi ni Neeya saka ito tumakbo papunta kay Haco na ikinangisi ni Amon.

"Mana sa ina, madaling magtiwala sa lalaki." sabi ni Amon sa isip na napatiim ng bagang ng salubungin ng yakap ni Neeya si Haco habang bitbit ni Haco ang paperbags.

"Nakita ko siya sa baba tapos sinamahan niya ako." masayang sabi ni Katara sa anak kahit na hinihingal ito na ikinakunot noo ni Amon.

"Marupok nga." inis na sabi ni Amon sa isip na kanina lang malungkot si Katara pero ngayon mukha itong nanalo sa lotto.

"Mama hindi ka pa kumakain." sabi ni Neeya.

"Habang naglalakad pinakain ko ang Mama mo." sabi ni Haco.

"Talaga po?" sabi ni Neeya.

"Oo, kasi namumutla na siya. Nakita ko siya na tumatakbo at nagmamadali kanina palabas ng hotel mabuti na lang papasok pa lang ako." sabi ni Haco kay Neeya sabay karga sa pamangkin.

"Hindi pa rin po ako kain." sabi ni Neeya.

"Hindi pa?" sabi ni Haco na napakunot noo sabay tingin sa paligid, ng makita nito bigla ang food cart na wala pa ngang bawas ang mga nasa tray na naroroon.

"Hintay ko kasi si Mama, nagtatae kasi sila Kuya at Nicel." sabi ni Neeya.

Hindi kumibo si Haco saka ito napatingin kay Amon na nakaupo lang sa sala at mukhang matagal na ito naroroon nakatunghay.

"Sige kumain na kayo, ako muna mag-aalaga." sabi ni Haco na napangiti sabay tingin sa dalawang batang nasa kama.


"Uyyy! Huwag na nakakahiya."
sabi ni Katara.


"Huwag ka mahiya at huwag kang mag-alala dahil kaya ko iyan."
sabi ni Haco sabay baba nito kay Neeya at lumapit si Haco sa dalawang batang lalaki na nakahiga sa kama.

Pagkalapit ni Haco napakunot noo ito ng makitang nakasuot ng lampin na tela ang dalawang batang lalaki.

"Sino nagpalit sa inyo?" nakangiting sabi ni Haco sa dalawang batang lalaki.

"Pinalitan ko ng lampin." sabi ni Neeya ng sumunod kay Haco habang si Katara inaayos ang mga binili nito.

"Very good ha." sabi ni Haco kay Neeya sabay upo ni Haco sa kama na ikinausnod ni Neeya habang nakatunghay lamang si Amon.

"May pupu sila uli." sabi ni Neeya na ikinasilip ni Haco sa lampin ng mga bata.

"Oo nga. Bahoo." napangiting sabi ni Haco na nagawa pang amuyin ang puwetan ng dalawang batang lalaki na ikinatawa ni Neeya.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon