Kabanata 28 : Lasap

382 40 12
                                    

Kabanata 28 : Lasap

Porto, Portugal


Kanina pa nakatitig si Amon sa dalawang anak ni Jamal at Katara na nakatingin din sa kanya. Edad mag-aapat na taon at magtatatlong taon gulang na ikinangisi ni Amon.

"Talagang tinaon taon ng tatay niyo ang nanay niyo. Nasarapan ba?" inis na mahinang sabi ni Amon sa dalawang batang lalaki na halatang takot sa kanya dahil tahimik ito, at sa napapansin niya halatang magaling nga magturo si Jamal dahil sa ugali ng dalawang batang lalaki na hindi man lang makuhang magsalita.

Napatingin si Amon kay Nicel saka ito tinitigan ang batang lalaki.


"Na-esh."
mahinang sabi ni Nicel na ikinakunot noo ni Amon dahil kanina pa nakatitig sa kanya si Nicel.

"Miss mo na si Nilesh?" bulong ng panganay na anak ni Jamal kay Nicel na ikinatango ni Nicel.

"Yakap." sabi ni Nicel kay Amon sabay lapit ng batang lalaki na ikinagulat ni Amon.


"Yakap daw."
bulong ni Neeya na ikinagulat lalo ni Amon sabay tingin sa anak na nakalapit na pala sa kanya.

"Kanina pa kita pinagmamasdan, hindi mo sila hinahawakan. Dapat hawakan mo." sabi ni Neeya kay Amon.


"Okay naman sila."
sabi ni Amon.


Napangiti si Neeya saka nito sumampa sa kama at hinawaknan ang kamay ni Amon sabay lagay sa kamay ni Nicel at ang isa sa kamay ng kuya nito.

"Namimiss nila si Daddy." sabi ni Neeya.


"So?"
sabi ni Amon habang nakamasid si Haco at Katara sa mag-ama.

"Yakap mo sila para hindi sila malungkot." sabi ni Neeya.

"Hindi ako ang kailangan nila dahil hindi ako ang tatay nila." sabi ni Amon.


"Kahit sino puwedeng magbigay ng pagmamahal at ang yakap ay isang pagmamahal na hindi mo dapat ipagdamot sa iba."
sabi ni Neeya sabay tawag sa mga kapatid.


"Halika kayo kuya."
sabi ni Neeya na ikinatayo ng dalawang anak ni Jamal.

"Ate." sabi ni Nicel ng makalapit ito.

"Magpakilala ka sa kanila." sabi ni Neeya kay Amon na ikinatitig ni Amon kay Neeya.


Napangiti si Neeya saka ito umusal ng titigan lang siya ni Amon.


"Ako si Teacher Neeya at tuturuan kita magpakilala ng sarili mo."
sabi ni Neeya kay Amon na ikinangisi ni Haco at ikinalunok ni Katara sa ginagawa ni Neeya.

Tumayo si Neeya sa gitna ni Amon at dalawang batang lalaki saka ito ngumiti at nagsalita.


"Ako si Neeya, mabait at maaasahan."
sabi ni Neeya sabay tingin kay Amon.


"...ikaw naman."
sabi ni Neeya kay Amon.

"Ahhhmm." sabi ni Amon.

"Be natural lang." sabi ni Neeya.

"Ako si Amon." sabi ni Amon saka ito napahingang malalim.


"Tapos?"
sabi ni Neeya.

"Tapos." sabi ni Amon.

"Hindi, sabihin mo kung anong ugali mo na maganda." sabi ni Neeya na ikinapigil sa pagtawa ni Haco kaya siniko ito ni Katara.

Hindi umimik si Amon kaya tumayo ang panganay na anak ni Jamal at Katara.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon