Kabanata 4 : 25 Minutes
Agape Cruise Ship
Kinabukasan
"Kompleto na ba ang lahat?" sigaw ni Shiloh na halatang may hangover ito pero kahit ganoon nakuha nitong umakyat sa stage.
"Oo!" sigawan ng buong grupo.
Napatingin si Shiloh sa paligid nang makita nito si Amon na nakatingin kay Katara at Jamal na nag-aalmusal sa isang mesa kasama ang buong pamilya.
Samantalang kanina pa nakamasid si Amon kay Katara at Jamal at tila walang pakialam si Amon kung kanina pa ito pinagmamasdan ng grupo nito, ng ama at ng lolo nito.
"Tsss! Sinuutan ka lang ng damit pangkasal at pinakasalan sa simbahan love mo na." napangising sabi ni Amon sa isip ng biglang napahiyaw ang lahat sa grupo, ng mula sa stage may video na nag-appear sa malaking screen.
"Whoaahhh!" sigawan ng grupo na muntikan ng ikinabilaok ni Katara ng makita ang pinapalabas na video sa stage.
Napatingin naman si Jamal sa big screen, at ng makita ang video na nakasalang napangiti ito.
"Guys, gumawa kami ni Hades ng video bale pinaghalo-halo namin ang mga naganap na kasalanan....
.... ay este! Hahaha! kasalan pala ng grupo natin." natawang sabi mi Elis na ikinatawa ng lahat.
"Hahaha! Kasalanan kasi magpakasal kapag hindi imbitado ang grupo." sabi ni Laszlo na natawa
"Tama, kasi hindi nagtatagal." sigaw ni Viggo na ikinangisi ni Amon dahil kinasal sila sa Palasyo ni Katara na walang nakakaalam at ngayon hiwalay na sila.
"O di kaya, hindi natutuloy." napangising sabi ni Otto na ikinatawa ng sixtuplets.
"Tama. At siyempre sa malawak na imagination at galing namin ng asawa ko nagawa namin ang short clip video na ito para sa summary ng mga kinasal sa grupo tutal wala naman masama dahil kasal ito ni Astraea at ni Daniel kaya good vibes lang. At iyon ang gusto natin lahat sa paglalayag natin." sabi ni Elis na ikinangiti ni Luna sabay yakap kay Bronze.
Napatingin si Bronze sa asawa ng kiligin ito ng makita ang video ng kasal nila.
"Sana nandito din si Jollibee." sigaw ni Luna na ikinatawa ng grupo at ikinailing ni Bronze dahil si Jollibee lang ang alam niyang kaagaw niya kay Luna na isang tutubing mascot kaya hindi siya nawawalan ng Jollibee costume sa bahay nila lalo na kapag nagkakatampuhan sila ni Luna.
"Hahaha! Nasa tabi mo na si Bee mo." sabi ni Fayra kay Luna na ikinangiti ni Luna kay Bronze.
"Sa susunod kapag may kinasal uli gagawa kami uli ni Hades ng panibagong video para masaya." sabi ni Elis.
"Mag-enjoy tayo sa video mukhang proud si Eye dahil malaki ang kinita niya sa mga kasal ng grupo." natawang sabi ni Haco.
"Oo, pero sana alisin niyo iyong pinakapangit na kasal sa summary ng mga kasal ng grupo niyo. Panira kasi." sabi ni Eye tukoy sa kasal nila Elis at Hades kung saan hindi nito trip ang napapanood sa sumasalang na video sa bigscreen.
"Huwag kang mag-alala may mas papangit sa kasal ko at huh...." udlot na sabi ni Elis na napataas ang kilay saka paismid na mataray na umusal."... kasal mo iyon." sabi ni Elis kay Eye na ikinatawa ng grupo.
"Hahaha! Hawakan mo nga sa tenga si Elis, Eye." sigaw ni Ezio na ikinatawa lalo ng lahat.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...