Kabanata 30 : Tenant

307 44 9
                                    

Kabanata 30 :  Tenant

One Week later

El Paradiso


"Isang order." sabi ng babae kay Katara.

"Mama, ito po ang plastic." sabi ni Neeya sa ina na kanina pa aligaga.

"Salamat." sabi ni Katara sa anak na mabilis na nagtakal ng panindang ulam sa harap ng kanilang inuupahang bahay sa mataong lugar ng isla.

Pinagmasdan ni Neeya ang ina, pag-uwi nila ng isla agad nila pinuntahan ang titirhan nilang bahay na hindi niya inaasahan na sa ganoong lugar. Masikip kasi, matao at kahit naman hindi dikit-dikit ang bahay halata sa ambiance ang kakaibang ingay na galing sa squatter ang mga tao.

Bagay na alam naman ni Neeya ang klase ng lugar na iyon dahil madalas siya ipasyal ng Papa AJ niya sa mga ganoong lugar para daw aware siya, o madalas din magkuwento tungkol sa iba't ibang lugar.

Pabahay daw iyon sabi ng Mama niya kaso ang iba sa nakatira roon nagsialisan at ang iba pinarentahan ang mga bahay na nakuha sa gobyerno. May bahay daw doon ang pamilya ng nanay niya kaso pinagbenta ng mga ito na hindi naman daw bago kasi gawain iyon ng mga taong nanggaling sa squatter's area.

Ibebenta ang bahay na bigay ng gobyerno, tapos magtatayo uli ng bahay na ilegal na babansagan na naman na squatter's area at paulit-ulit lang na sistema. Bibigyan ng bahay tapos ibebenta. Umuulit lang na buhay ng mga taong nasa hulihan ng pag-unlad.

"Anak kuha ka ng sawsawan, at kalamansi." sabi ni Katara na ikinatango ni Neeya.

Kumuha si Neeya ng inuutos ng ina saka iyon mabilis na binigay sa ina na agad naman inabot ni Katara

Tumayo lang si Neeya sa likuran ng Mama niya, ilang araw na ganoon ang pamumuhay nila mag-iina at alam niyang hindi ganoon kadali ang lahat. Nakikita niya kasi ang pagal na katawan ng ina matapos ang buong araw. Nag-aalaga pa ito sa kanila na para sa kanya napakahirap pero kahit ganoon bilib siya sa ina.

Ang inaasahan niya sa apartment type sila titira o kahit sa maayos-ayos pa sanang lugar. Tahimik ika nga pero siyempre gusto niya sumunod sa Mama niya at hindi makadagdag sa alalahanin nito.

"Ay! wala ng tubig." mahinang sabi ni Katara ng makaramdam ng uhaw pero ng makita na ang coleman na nasa tabi nito ay wala ng laman napahingang malalim siya. Hindi kasi siya puwede umalis sa puwesto dahil dagsaan ang tao at sayang naman ang benta.

Napangiti si Neeya saka ito pumasok sa loob ng bahay.

Napalingon naman si Katara ng umalis si Neeya, saka ito napahingang malalim hindi naman kasi lingid sa kanya na nahihirapan ang anak niya. Maaga din kasi gumigising si Neeya kahit naman sabihan niya ito na matulog pa hindi iyon ginagawa ni Neeya na nauunawaan niya kasi nanggaling siya sa ganoong sitwasyon. Bread winner siya ng pamilya na ayaw niyang tahaking landas ni Neeya dahil alam niya ang hirap na akay ang lahat. Pero mukhang nakikita niya ang sarili kay Neeya. Responsable na ito sa ganoong edad.

"Huwag kang mag-alala anak, lahat gagawin ko huwag mo lang tahakin ang mga nadaanan ko na." sabi ni Katara sa isip.

"Isang sinigang nga." sabi ng tinig na ikinatingin ni Katara ng biglang magulat ito ng makita ang nagsalita.

"Akin, giniling saka extra egg." sabi ng isa pang tinig.

"Ito akin mukhang masarap." natawang sabi ng isa pang lalaki na nakuha pang makipag-apiran sa isa.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon