Kabanata 12 : Mahal Pa Rin Kita

316 48 6
                                    

Kabanata 12 : Mahal Pa Rin Kita

Tokyo, Japan

"Anong sabi mo?" sabi ni Shiloh kay Peso.

"Buhay si Jamal." sabi ni Peso sa mahinang tinig habang inaayos nito ang sarili.

"Okay ka lang?" sabi ni Shiloh kay Peso.

Napatingin si Aj kay Peso, pumasok ito sa isang team ng mga babaeng boksingero na ikinagalit ng buong pamilya nila dahil si Peso tumiwalag sa Cloud Nine at nagsolo nito.

"Okay ako." sabi ni Peso saka nito tiningnan ang kaninang bumuhat sa kanya na nakatitig sa kanya.

"Hindi sila nakakaunawa ng lengguwahe natin." mahinang sabi ni AJ ng tingnan ni Peso ang Hapon na tauhan niya.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi ang tagyawat mo?" nakangising sabi ni Shiloh kay Peso na ikinatalim ng tingin ni Peso kay Shiloh habang si Aj nangingiti dahil ang alam niya okay ang dalawa noong last niya ito makita sa Cruise Ship.

Kinapa ni Peso ang tagyawat niya sabay tingin sa Hapon na bumuhat sa kanya,

"Sinanggi niya kasi kaya umumbok." inis na sabi ni Peso sabay turo sa Hapon, na ikinangisi ni Shiloh at ikinailing ni AJ.

"Umalis ka muna tapos pagamot mo." sabi ni Shiloh na ikinatingin uli ng matalim ni Peso kay Shiloh.

"Pati tagyawat ko pinapakialamanan mo." inis na sabi ni Peso.

"Wala ka naman kasi silbi dito, tagyawat mo nga hindi mo masulusyunan." sabi ni Shiloh na ikinangisi ni Peso.

"May nakalap akong impormasyon." sabi ni Peso sabay irap kay Shiloh.

"Ano?" sabi ni Shiloh na mataman na nakatitig kay Peso dahil mula ng mamatay ang anak nila kung saan-saan na ito pumupuntang lugar o bansa.

"Sinamahan ako nila Dinar, sa isang bar dito sa Japan at nakita namin si Jamal." sabi ni Peso.

"Lasing kayo sigurado dahil bar ang pinasok niyo kaya malabo ang nakita niyo." sabi ni Shiloh.

"Hahanapin ko ang pumatay sa anak ko." sabi bigla ni Peso na hindi pinakinggan si Shiloh.

"Anong sabi mo?" sabi ni Shiloh.

"Bingi ka ba? Kanina pang ganyan ang tinatanong mo?" inis na sabi ni Peso kay Shiloh na ikinangisi ni Aj ng tumaas pa ang kilay ni Peso.

"Bakit ka kasi nandito?" inis na sabi ni Shiloh kay Peso.

"Didikit ako kay Kuya Aj para makalapit sa pumatay sa anak ko." sabi ni Peso.

"Hindi mo kailangan dumikit kay Kuya Aj dahil naririto na ang kanang kamay niya." sabi ni Shiloh na ikinanlaki ng mga mata ni Aj.

"Akala ko ba ayaw mo na." gulat na sabi ni Aj kay Shiloh dahil kanina lang halos ipagdiinan ni Shiloh na bumibitaw na ito.

"Wala akong sinabi." sabi ni Shiloh na ikinangisi ni Peso.

"Tss! Ayaw mo na pala so, ako na ang kanang kamay. Lumayas ka diyan." sabi ni Peso sabay hila kay Shiloh kaso hindi nito nahila si Shiloh.

"Dalawa tayo." sabi ni Shiloh na imbes na mahila siya ni Peso sa upuan para umalis hinatak niya ito na ikinaupo ni Peso sa kandungan niya.

Napailing si AJ ng sumenyas si Shiloh.

"Ayoko!" sigaw ni Peso na nagpapapalag sa kandungan ni Shiloh.

"Ayaw mo?" sabi ni Shiloh saka nito pasimpleng kinuha ang syringe sa bulsa niya.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon