Kabanata 15 : Inspirasyon
Quezon City
Napatingin ang batang babae kay Amon na bakas ang gulat at takot.
"Tumigil ka at sumunod ka sa akin para hindi ako magalit." sabi ni Amon na nakuhang kumalma ng makitang natakot ang anak.
Napatingin si Neeya kay Amon habang naglalakad ito karga siya.
"Hindi ganyan si Daddy. Never niya akong sinigawan kahit si Nilesh never niyang inaway." sabi ni Neeya na nakipag-titigan kay Amon.
"Hindi ako si Jamal at puwede ba hindi mo siya daddy." sabi ni Amon.
Napakunot ang noo ng batang babae at ilang saglit lang muling nagpumiglas si Neeya saka nagwala at nagsisisgaw.
"Mamaaaaaa!!!! Ibalik mo ako sa Mama kooooo!" sigaw ni Neeya na ikinarindi ng tenga ni Amon saka nito binuksan ang unang pintuan na nakita nito at sa inis ni Amon mabilis ito pumasok sa loob ng kuwarto at pabalibag na binaba ang batang babae sa kama na ikinagulat ng taong nakahiga roon sa ilalim ng kumot.
"Ahhhh!" sabay na sigaw ni Neeya at ng babae.
Napakunot noo si Amon ng matanggal ang kumot ng babae na hindi niya alintana na may tao pala roon.
"Aray!" inis na sabi ng babae na nakahiga sa kama saka ito napaupo at tiningnan kung anong binato sa kanya ng kung sino.
"Bad ka." umiiyak na sabi ni Neeya kay Amon saka nito niyakap ang hindi nito napansing babaeng nahigaan nito.
Napalunok naman si Eye ng yakapin siya ng batang babae habang umiiyak ito.
"Bad siya, away niya ako, bugbug Neeya ng villain." umiiyak na nabulol na sabi ni Neeya na ikinatingin ni Eye kay Amon.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Amon kay Eye.
Napangisi si Eye sa tanong ni Amon saka ito umusal.
"Kinidnap ako ng tauhan mo tapos sasabihin mo anong ginagawa ko dito? Hayop din 'no? Ano gusto mo? Saan mo gusto ako makita? Sa bodega?" mapanuyang sabi ni Eye na ikinangisi ni Amon.Napatingin naman si Neeya kay Eye at bumakas ang awa sa mukha ng batang babae sa sinabi ni Eye.
"Away ka rin niya?" sabi ni Neeya na ikinatingin ni Eye sa batang babae.
"Oo." sabi ni Eye ng makilala ang batang babae.
"Bati tayo tapos away natin siya. Pabagsakin natin ang villain." sabi ni Neeya habang lumuluha na ikinangisi ni Amon."Anong ginawa niya sayo?" sabi ni Eye habang nakatitig sa batang babae.
"Sabay kami kain, handa ko siya tapos tulog lang ako paggising ko buhat na niya ako papasok sa bahay na ito." sabi ni Neeya.
Napatitig pa lalo si Eye kay Neeya habang nagsusumbong ito sa kanya. Iba kasi ang batang babae magsalita, oo nga pabulol pa ito magsalita pero kung ang pag-uusapan ang lalim o paraan ng pakikipag-usap nito kakaiba ito para sa maglilimang taon na gulang na bata kung mag-isip.
"Kidnap niya ako, tapos hulog niya ako dito sa bed." umiiyak na sabi pa ni Neeya na ikinangiti ni Eye ng may maalala pero sa ibang senaryo.
"Sinaktan mo siya?" sabi ni Eye sabay tingin kay Amon.
"Saktan niya po ako, bato niya ako sayo." sabi ni Neeya.
Matalim na tiningnan ni Eye si Amon na ikinangisi ni Amon.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...