Author's Note :
Muli maraming salamat po sa lahat at sa bagong followers... sana po mapadami pa tayo dito sa WattPad at sa FB Page natin...
Kapag naka-250 followers sa FB ilalabas ko po ang susunod na nobela.
Nawa'y matulungan niyo po ako for 300F sa FB. Tnx. God Bless po sa lahat.
.................
PLAGIARISM is a CRIME
Do NOT COPY!!!
RESPETO...
.................
Kabanata 18 : Proteksyon
Valiente Mansion, Manila
"Hindi ako papayag." sabi ni Wine sa sinabi ni Sebastian.
Nasa Valiente Mansion ang pamilya ni Wine kasama ang mga magulang ni Elle ng biglang dumating ang mga Prinsipe na quintuplets at kasama ng mga ito si Periwinkle na ngayon lang binalik ni Noah kung hindi pa sila nagpaalerto sa mga pulisya.
"Tatay, si Kuya Aj pumayag na at kung tutuusin pangako din ni Doc Alex ang pagpapakasal namin sa mga anak niyo." sabi ni Noah na ikinatingin ng sixtuplets sa quintuplets na mga Prinsipe.
Nakaupo ang lahat sa malaking sala ng bahay na iyon, na sinasabing pinagtaguan ni Orion kay Ellie Cheung ng mabuntis nito ang nobya nito dati sa edad ni disi otso anyos. Ang edad din na pinalano itanan ng Princes Quintuplets ang quintuplets ni Atty Wine sa asawa nitong si Elle Valiente na anak nila Orion at Ellie.
"Wow close tatay agad ang tawag." mahinang sabi ni Ely na tahimik lang na nakikinig habang nakadungaw sa balustre ng ikalawang palapag.
"Hindi ko pa nakakausap si Aj, hindi pa siya nagpapakita o tumatawag. Ni wala siyang sinasabi na kahit ano." sabi ni Wine na hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ng Quintuplets dahil hanggang ngayon wala naman sinasabi si AJ sa kanya.
"Nasa tamang edad na ang mga anak niyo, siguro naman po sapat na iyon para magpakasal sa amin." sabi ni Sebastian ng mapatikhim si Iris sa sinabi nito.
"Arhhmm! Excuse me lang. Sisingit lang ako. May nobyo na kasi ako." sabi ni Iris na ikinatingin ni Baste dito o Sebastian.
"Ako din." sabi ni Blossom na ikinatingin naman ni Keon dito.
"Hahaha! Nahuli na." pang-iinis na natawang sabi ni Laszlo na ikinatawa ng mga kapatid nito.
"Hiwalayan niyo." sabi ni Sebastian na hindi makapaniwala na talagang na-brainwash ito ni Amon dati.
"Hindi ko puwede hiwalayan." nakangiting sabi ni Blossom na ikinakunot noo naman ni Keon.
"Same." nakangiting sabi ni Iris.
"Bakit hindi?" sabi ni Keon na ikinatingin ni Blossom dito."Aba! Anong tanong iyan? Malamang kasi mahal ko." sabi ni Blossom na ikinangisi ng sixtuplets.
"Ako din mahal ko." sabi ni Iris na kinilig pa.
"Patay tayo diyan." sabi ni Otto na nakipag-apir pa sa mga kapatid.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...