Prologo : If Ever in You're My Arms Again
(Play the theme song for this novel)
Two Years ago
Haram Condo, Isla Verde
"Apos na anta, tatay Aj." pabulol na sabi ni Neeya sa inaakalang si AJ.Napatitig si Amon kay Neeya, magtatatlong taong gulang, nakangiti ito pero nakabahid sa mga mata nito ang pagtataka kung para saan hindi niya alam dahil bata pa naman ito para malaman nito na hindi siya si Aj.
"Apos na." ulit na pabulol na sabi ni Neeya.
Napahingang malalim si Amon, nasa wedding siya ng ex-wife niya, ang ina ng batang nasa harapan niya. Si Neeya ang batang babae na hindi man lang niya nakasama ng matagal mula ng isilang ito. Nagkahiwalay kasi sila ng ina nito ng mag-file ito ng divorce sa bansa kung saan sila pinakasal at sa tulong ng pamilya niya mabilis na natapos ang koneksyon nila bilang mag-asawa ng ina ng bata. (Read Previous novels of Gen 4)
"Apos na po." sabi muli ng batang babae habang nakatitig lang si Amon dito.
Ang araw na iyon, ang araw na pakiramdam ni Amon ninakawan siya. Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya natalo siya.
"Tapos na." sabi ng tinig na ikinakunot ng batang babae dahil hindi naman nagsalita ang inaakala nitong si Aj.
"Apos na." mahinang ulit na nakakunot noo na sabi ni Neeya.
Nakatitig pa rin si Amon sa batang babae, dahil kahit ang paraan ng pagkunot noo nito ay hindi maitatatwang isa itong Valiente, iyon nga lang nagduda siya dati kung sa kanya nga ba ang bata dahil ang tinig na narinig ni Neeya ngayon ay siyang taong kinamumuhian niya.
Nang hindi magsalita ang inaakalang si Aj napatitig ang batang babae sa lalaki. Si Aj Valiente, ang pinakilalang ama ng kanyang ina sa kanya. Biological father iyon ang sabi ng nanay niya ng tanungin niya ito.
Sa edad na magtatlong taong gulang may bagay si Neeya na nauunawaan kahit paunti-unti sa pamamagitan ng mga tanong na unti-unting nabubuo sa isip niya at nasasagot ng mga nakikita niya at naririnig sa paligid.
Napalunok si Amon ng mabasa ang mukha ng batang babae bumahid dito ang lahat sa panahon na nagtatanong din siya kung "SINO SIYA?"
"Amon." sabi ng tinig na ikinatiim ng bagang ni Amon.
Napalingon naman na si Neeya ng mahinuhang hindi ang inaakalang si Aj ang nagsalita kahit na kaboses ito ng lalaki.
Sa paglingon ni Neeya bumahid lalo ang kalituhan sa mukha nito ng makita ang kawangis ng nasa harapan niya.
"Greet your dad." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Neeya sa lalaking inakalang si AJ.
Sa pagtingin ni Neeya sa lalaking kawangis ni Aj bumahid lalo ang kaguluhan sa maamo at inosenteng mukha nito.
"Amonia ang tatay mo si Amon." sabi ng tinig na ikinailing ni Neeya sabay piglas ng kamay nito na hawak ni Amon.
Nabitawan ni Amon ang kamay ng batang babae at ang paa nito na nakatuntong sa paa niya kanina ay kumawala at umatras palayo sa kanya.
"Neeya." sabi ng tinig na ikinatingin ni Neeya dito.
"Alam ko ang pagkakaiba. Big girl na ako, Tatay Aj." sabi ng batang babae saka ito tumakbo palayo na ikinasunod ng tingin ni Amon sa batang babae.
"Kaya pa?" sabi ng tinig ng makita ang sakit sa mukha ng Amon.
Napangisi naman si Amon saka ito tumingin sa may-ari ng tinig.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...