Kabanata 20 : Wakas ng Wagas

288 47 8
                                    


Kabanata 20 : Wakas na Wagas

Valiente Mansion, Manila

"Natawagan niyo na po ba si Kuya Aj?"tanong ni Noah.


Napatingin ang sixtuplets sa magkakapatid na Prinsipe makapal kasi ang mukha ng mga ito at talagang sa bahay na iyon nakitulog at ilang araw na rin nakapisan ang mga ito ng libre.

"Hindi." sabi ni Orion habang nasa hapagkainan sila na mabuti na lang malaki ang dining table nila dahil pinasadya niya talaga iyon sa dami niyang apo kay Elle pa lang at mukhang madadagdagan na uli dahil ang quintuplets hindi talaga umaalis sa bahay niya.

"Hindi pa po?" nagulat na sabi ni Sebastian kay Orion dahil inaasahan nila tatawag na si Orion kay AJ.

Nasa hapagkainan ang lahat at sa dami nila mukha silang nasa Harry Potter na movie sa isang malaking mesa.

"Hindi pa." seryosong sabi ni Orion dahil sinadya niyang hindi tawagan si Aj dahil balak niya paalisin ang limang magkakapatid. Ang akala niya kasi maiinip ang mga ito pero nagkamali siya dahil makukulit ito na parang sixtuplets at ngayon nahihinuha na niya kaya nagkainitan dati ang dalawang grupo

"Bakit hindi pa po?" sabi ni Allen na ikinangisi ni Orion dahil sabi ni Wine sa kanya dati ginagaya ng lima ang anim niyang apo pero tingin naman niya hindi dahil talagang salitan lang din magsalita ang Quintuplets na parang sixtuplets na tingin niya nasa dugo na iyon ng mga magkakasama sa loob ng sinapupunan ng isang ina.

"Lolo ako, kaya dapat siya ang tumawag para mangamusta kaso ang lokong batang iyon wala talagang Hello o Hi man lang sa akin." seryosong sabi ni Orion at akmang susubo siya ng magsalita naman si Keon.


"Hala! Hindi ganoon iyon lolo. Ikaw ang may kailangan kaya dapat ikaw ang tumawag sa kanya."
sabi ni Keon na ikinangisi ni Orion dahil feeling close ang quintuplets katunayan nga kapag nagkakape siya nakikisabay ang lima na tila nililigawan siya ng mga ito para sa mga apo niya.

"Uy! Huwag mong utusan si lolo." sabi ni Laszlo kay Keon.


"Hindi namin siya inuutusan, kasi ilang araw na kami dito. Sige kayo papakainin niyo kami kasi bisita kami."
sabi ni Ezekiel na ikinangisi lalo ni Orion.

"Alam niyong kayong lima nasabi na nga ng mga kapatid namin na ayaw na sa inyo, dahil may mga nobyo na sila." sabi ni Otto sa mga Prinsipe.


"Walang nobyo si Wink."
sabi ni Noah sabay tingin kay Periwinkle na tahimik na kumakain.


"Lolo, ako po tatawag para makausap niyo."
sabi ni Ezekiel na ikinatingin ni Orion dito dahil sa lima si Ezekiel ang pinakamakulit at mapilit.

"Hindi ako kumakausap ng isang importanteng bagay sa telepono lamang. At ang sitwasyon ay tungkol sa mga apo ko na importante." seryosong sabi ni Orion.


"Okay, papupuntahin namin si Kuya AJ dito."
sabi ni Keon na ikinatingin ni Orion dito.

"Kamusta na ang kapatid mong namatay? Nakapagmove ka na ba?" biglang sabi ni Orion na ikinatahimik ni Keon at ikinatingin ng lahat dito.

Nang hindi umimik si Keon napangisi ng lihim si Orion saka umusal.

"Hindi kontrata ang mga apo ko. Hindi ito proyekto na dapat pasukin, o papeles na dapat pirmahan. Hindi ko alam kung anong nagaganap sa palasyo at wala akong balak alamin dahil matanda na ako. Ang totoo nagtataka ako kung bakit may plano." sabi ni Orion na ikinatingin ni Shiloh kay Orion.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon