Kabanata 14 : Ang Bunga
Blaze Hotel Helipad
"Jamaalllll!" hindi mapatid na sigaw ni Katara sa helipad ng maibaba siya ni Amon kanina pa mula sa pagkakabuhat nito.
Napatiim ng bagang si Amon sa kanina pa sinisigaw ni Katara. Kanina pa rin talaga siya nagtitimpi sa inis niya at sa pagkapikon na nadarama.
"Ja---ja---jamallllll!" lasing na sigaw ni Katara na nagawa pang dumungaw sa baba ng gusali.
"Tama na iyan!" sigaw ni Amon pero hindi nagpatinag si Katara.
"Walang mali sa tama. Tama ang magmahal kaya hindi maling isigaw ang pagmamahal." sabi ni Katara.
"Para ka kasing tanga." inis na sabi ni Amon.
"Ganoon kasi ang love kailangan maging tanga ka ng sa ganoon mas maramdaman mo." sabi ni Katara.
"Hindi mo naman mahal iyon." sabi ni Amon.
"Sino?" sabi ni Katara
"Hayss! Katara, naging hero mo lang si Jamal sa buhay hanggang doon lang iyon dahil iba ang hero sa love." sabi ni Amon.
"Anong alam mo sa love?" nakangising palasing na sabi ni Katara."Ang hero namamatay kalaunan sa sobrang dami niyang ginawang mabuti, at sabi ko nga sayo dati lahat ng mabait maagang kinukuha ng Taas." sabi ni Amon sabay turo sa langit
"Eh ang love? Ano naman?" sabi ni Katara.
"Ang love..." sabi ni Amon saka lumapit kay Katara.Napatitig si Katara kay Amon ng lumapit ito at ng nasa harapan na niya ito hinawakan siya nito sa mukha saka umusal.
"...ito ang love nasa harapan mo. Kasi ang love kailangan hindi lang isa ang nararamdaman o, hindi lang dalawa kundi marami. Para iyang ulam hindi maluluto kung walang sangkap. Kahit ang pritong isda kailangan mong asinan at kahit na ang tuyo kailangan mo ibilad na may proseso." sabi ni Amon.
"Bakit ang kanin walang sangkap." sabi ni Katara.
"Wala pero kailangan mo hugasan, iyon ang love hindi ka makakapunta sa tamang tao kung walang proseso." sabi ni Amon."Tama ka, kaya nga mahal ko si Jamal kasi hero ko na siya love ko pa siya. Proseso, sangkap lahat iyon na kay Jamal bagay na napakasarap damhin na ang taong mahal mo ay hero mo rin." sabi ni Katara habang nakatitig kay Amon.
Natahimik si Amon sa sinabi ni Katara lalo na ng ngumiti ang babae na tila satisfied ito sa lahat.
Binitawan ni Amon ang mukha ni Katara na ikinangiti lalo ni Katara saka muling umusal.
"Umaga na." sabi ni Katara ng manahimik si Amon.
Napatingin si Katara sa kalangitan ng sumibol na ang liwanag at unti-unting sumaboy sa kalangitan.
"Maganda ang pagsabog ng araw sa kalangitan. Ganito sa Stem kapag nasa helipad ka, kaso ang pagkakaiba mas gusto ko doon kapag gabi kasi makikita mo ang dalawang buwan.
Ganoon si Jamal umaga at gabi na gusto ko makita. Magkaibang lugar, na tulad ni Jamal ibang lahi niya sa lahi ko pero iyong ganda na binibigay niya tulad ng araw sa Pinas at tulad ng mga buwan sa Stem." sabi ni Katara saka ito tumingin kay Amon.
"Siya ang pangarap ko..." napaluhang sabi ni Katara.
".... na kahit malabo makuha pero nakamit ko. Alam mo ba ang masakit lang?" sabi ni Katara na ikinatitig ni Amon sa babae.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomansaAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...