Kabanata 32 : Kanlungan

369 49 16
                                    


Kabanata 32 : Kanlungan

Kinabukasan

El Paradiso


Napamulat ng mga mata si Katara ng biglang maalimpungatan ito ng makita ang bintana sa papaliwanang na kalangitan.

"Anong oras na?" sabi ni Katara sabay pagkapa sa cellphone para tingnan ang oras.

"Alas singko na." sabi ni Katara saka ito dahan-dahan umupo.

"Mama." mahinang usal ni Nicel sabay yakap sa kanya sa hita niya habang nakaupo na siya.

Napatingin si Katara sa mga anak. Sa maliit na liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana napagmamasdan niya ngayon ang mga anak, sa lapag lamang sila natutulog wala naman kasi kama sa bahay na iyon na nirerentahan nila. Tanging banig lamang ang sapin nila na may karton sa ilalim. Nakapatay na ang electricfan dahil malamig ang tiles sa likuran na tumatagos sa karton kaya naman may kumot sila para maibsan ang lamig. Lalo na kapag ganoong oras sa probinsiya malamig ang simoy ng hangin.

"Sleep ka pa." sabi ni Katara sabay ayos kay Nicel sa pagkakahiga. Hinila niya ang kumot at inilagay sa bunsong anak.

"Dede." mahinang sabi ni Nicel na ikinatingin ni Katara sa bote na nasa ulunan niya.

"Kukuha si Mama, close your eyes lang ha." masuyong sabi ni Katara na ikinatango ni Nicel sabay yakap sa sandayan na ikinangiti ni Katara.

Bahagyang yumuko si Katara sabay halik sa pisnge ng anak.

"I love you, Mama." mahinang sabi ni Nicel na ikinapigil ng luha ni Katara.

"I love you, too." mahinang sabi ni Katara ng maalala si Nilesh na kung dati dalawa ang gumigising s kanya sa ganoong oras para bigyan niya ng dede.

"Huwag kang iyak, malulungkot si Nilesh." mahinang sabi ni Nicel na ikinatingin ni Katara sa anak na nakatitig sa kanya.

Napangiti si Katara saka nito pinunasan ang luhang hindi niya namalayang lumandas na pala.

Hinaplos ni Nicel ang mukha ng ina saka ito ngumiti

"Makikita mo naman si Nilesh mamaya." nakangiting sabi ni Nicel na ikinangiti ni Katara ng mahinuha ang sinabi ng anak na ang tinutukoy nito ay si Amon.

Nang biglang matigilan si Katara ng maalala na walang gamit sa kabilang kuwarto.

"Hala! Anak, hindi ko nabigyan si Tito Amon ng unan at kumot." mahinang sabi ni Katara ng mapahinto ng makitang nakatulog na uli si Nicel.

Napahingang malalim si Katara saka ito tumayo ng dahan-dahan para lumabas na hindi namamalayan ang ang paligid nito, naiwan pa nito ang cellphone sa banig.

.................

Kanina pa si Amon nakatingin sa higaan niya, hindi siya makatulog dahil matigas ang lapag malamig ang tiles, kumot lang ang gamit na sapin, may isang unan at.....

"Haysss! Nagbigay ng unan at kumot pero siya ang natulog."napangising sabi ni Amon habang nakatitig kay Neeya na humihilik pang natutulog sa lapag habang nakanganga ito.

Napailing si Amon, habang nakaupo sa lapag. Pinuntahan siya ni Neeya kaninang alas dose ng hating gabi, matapos kasi nila kumain nagligpit lang si Katara at pumunta na ito sa kuwarto para asikasuhin ang mga anak nito. Hindi na nga siyang nagawang kausapin ni Katara, buong atensyon kasi ni Katara nasa anak na nito na parang wala siya sa paligid. Ni hindi nga nito nagawang bigyan siya ng unan at kumot, o kamustahain sa kuwarto niya.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon