Kabanata 16 : Tunggalian ng Dalawang Puso

355 44 7
                                    


Kabanata 16 : Tunggalian ng Dalawang Puso

Tokyo, Japan

Kinabukasan


"Umuwi ka muna sa atin." sabi ni Aj kay Shiloh ng umagang iyon habang nasa sala ang dalawa at nagkakape.

Napatingin si Shiloh kay Aj, nagbabasa ito ng Japanese Newspaper habang siya nagtitipa sa cellphone ng magsalita si AJ.

"Ayoko dahil nandito si Peso at panigurado didikitan ka niyan." sabi ni Shiloh.

"Ako ng bahala muna sa kanya, sa ngayon puntahan mo si Amon nasa kanya si Neeya. Kunin mo at ibalik kay Katara." sabi ni AJ habang patuloy na nagbabasa ng balita sa Japan.

"Ibabalik naman niya ang anak niya. Huh! Takot lang niya kila lolo." sabi ni Shiloh na napangisi dahil seryoso si AJ na nagbabasa ng Japanese character na panunulat ng dyaryong binabasa nito.

"Walang kinatatakutan iyon, kaya ikaw ang kukuha kay Neeya para ibalik kay Katara." sabi ni AJ.

"Hindi ko maiiwan si Peso." sabi ni Shiloh.

"Sundin mo ang utos ko." seryosong sabi ni AJ sabay tingin kay Shiloh.

"Kuya Aj, naman may problema akong sarili, puwede bang unahin ko muna." sabi ni Shiloh.

"Mas lalo hindi pala kita kailangan kung iyan ang nasa isip mo." sabi ni Aj na ikinahingang malalim ni Shiloh

"Kuya, may utak naman si Kuya Amon at saka kung hindi niya ibalik si Neeya ginawa lang niya ang kamatayan niya lalo." sabi ni Shuiloh.

"Bakit ka ba nandito?" sabi ni Aj.

"Dahil kay Peso." sabi ni Shiloh.

"Nasaan ka ba?" sabi ni Aj na ikinatingin ni Shiloh sa mansion na hanggang ngayon na-aamaze siya sa nakikita kasi maganda at hi-tech ang lugar.

"Sa Mafia Mansion." sabi ni Shiloh.


"Ano ka dito?"
sabi ni Aj sabay titig kay Shiloh.

"Kanang kamay mo." sabi ni Shiloh na biglang natigilan sabay tingin kay Aj.

"Kanang kamay ko, kaya kung hindi mo magagawa ang inuutos ko makakaalis ka na kasi nagtatrabaho ako at ang trabaho ko bente kuwatro oras." sabi ni Aj.

"Ang akin lang kasi..." udlot na sabi ni Shiloh ng biglang magsalita si Aj.

"Shiloh, hindi ako naglalaro may trabaho ako at kung ayaw mo sumunod makakaalis ka. Kanang kamay kita kasi hindi ko kaya na ako ang gagawa ng lahat at alam mo iyon." sabi ni Aj.

"Ama ni Neeya si Kuya Amon, at kung kunin niya ito may karapatan siya." sabi ni Shiloh at akmang sasagot si Aj sa makulit na pinsan ng biglang may nagsalita.

"Ganyan siya mag-isip kaya namatay ang anak namin." sabi ni Peso habang pababa ng hagdan.

Napatingin si Shiloh kay Peso na ikinangisi ni Peso at muling nagsalita.


"Immature ganyan siya. May sarili siyang problema kuno pero ang totoo umiiwas lang siya sa trabahong ayaw niya. Isa doon ang pag-aalaga, kaya ayon iniwan niya ang anak namin pagdating niya patay na."
sabi ni Peso na ikinatingin ni Aj kay Shiloh para makita kung anong reaksyon nito sa sinabi ni Peso.


"Kumuha ng dentistry course kasi may problema daw siya pero ayon lumiko at naging boksingero. Paano naman kasi ayaw niya ng kinuha niyang kurso, kinuha lang niya para mang-inis.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon