Kabanata 26 : Isang Pinuno

372 50 12
                                    


Kabanata 26 : Isang Pinuno

Porto Hotel, Portugal


"Mama, ito na po." sabi ni Neeya sabay abot ng diaper sa ina na halos hindi magkaundagaga sa salitan pagpapalit ng diaper sa dalawang batang nakahiga sa kama.

Nakatingin lang si Amon sa mag-iina, kanina pa niya pinagmamasdan ang mga ito partikular si Katara na tagaktak ang pawis kahit na nga ba malakas ang buga ng aircon sa unit nila sa mismong hotel na kinuha ng grupo.

"Mama, pupu si Nicel uli." sabi ni Neeya habang nakasilip ito sa diaper ng bunsong kapatid na kakapalit lang ni Katara.

Napakunot noo si Amon, kanina pa kasi umiiyak ang dalawang anak ni Jamal at Katara at kanina pa rin siya naiinis sa iyak ng mga ito.

"Sige, palitan ko na lang uli." sabi ni Katara na hindi man lang makuhang tumingin kay Amon pero alam niya nakamasid ito kanina pa.

Kanina pa rin kasi nagpadala ng pagkain ang lalaki sa unit nila, hindi na nga sila bumaba para saluhan ang buong grupo sa resto na pinareserve pa ng lolo Orion nito kaya naman alam niyang naiinis na ito dahil sa lahat ng ayaw ni Amon iyong wala ito sa spotlight.

"Naku! Naubusan na." sabi ni Katara ng makitang wala ng diaper ang dalawa.

"Pupu din si kuya." sabi ni Neeya sa panganay na anak nila Jamal at Katara na nakasanayan ni Neeya tawaging kuya na ikinakunot noo ni Amon.

"Sa-sandali. Titingin ako sa labas kung may malapit na bilihan dito ng diaper." sabi ni Katara sabay tingin kay Amon.

"Kumain ka muna" sabi ni Amon ng tingnan siya ni Katara.

"Nagtatae sila, kailangan ko ng diaper kaya bababa lang ako. Sandali lang ako." sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Amon.

Napalunok si Katara ng makaramdam ng hiya sa reaksyon ni Amon ng mahinuha nitong iiwan niya ang dalawang bata at siyempre automatic pakikibantayan niya kay Amon dahil wala naman ibang matanda roon kundi silang dalawa lang ni Amon.

"Mama, ako na lang po ang magbabantay." sabi ni Neeya na ikinangiti ni Katara.

"Madali lang si Mama." sabi ni Katara saka ito nagmamadaling umalis na hindi na tumingin kay Amon.

Pagkaalis ni Katara napatingin si Neeya kay Amon na nakaupo lang kanina pa sa sofa at nakamasid sa kanila.


"Ganyan ka po ba talaga?"
sabi ni Neeya na ikinakunot noo ni Amon.


"Anong ganyan?"
sabi ni Amon.


"Gusto mo makuha si Mama pero wala ka naman ginagawa. Alam mo po basic lang naman ang pagiging mabait bakit isa ka sa mga taong hindi marunong ng basic."
sabi ni Neeya sabay kuha ng lampin sa bag na nakatiwangwang sa kama.

Napangisi si Amon sa sinabi ni Neeya na ikinailing ni Neeya ng makita ang reaksyon ni Amon.

"Bata ka pa." sabi ni Amon na ikinangiti ni Neeya.

"Pero ate ako, at ang alam ko panganay ka sa magkakapatid tulad ko, pero bakit ganoon ni salitang panganay hindi mo alam. Kaya siguro kahit ang salitang leader at ama, o asawa ay hindi mo nagampanan kasi basic na pagiging matanda sa magkakapatid hindi mo po alam." sabi ni Neeya habang hawak nito ang lampin pero umusal muli.


"Ang sabi ni Daddy, dapat ang panganay siyang magaling na leader kasi sabi niya eldest siblings are born to be a leader..." sabi ni Neeya sabay tingin kay Amon.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon