Kabanata 37 : Mapakla
Ikalawang Bayan. El Paradiso
Maaga naubos ang paninda ni Katara alas onse pa lang ng umaga ng mga oras na iyon. Matapos kasi dumating nila Amon at Eye sa nirerentahan niyang bahay tila mga kabuteng nagsisulputan ang mga tsismosa sa bayang iyon at kahit ang nasa unang bayan na namumukhaan niyang nakatira roon ay nakuhang dumayo sa tindahan niya para bumili ng ulam na ikinangingisi niya.
"Mama, tumawag po si lolo Orion." sabi ni Neeya sa ina na kanina pa tahimik at nakikita niyang pasimple at panaka-nakang nakatingin sa saradong pintuan ng kuwarto ng tatay niya at ni Eye.
"Bakit daw anak?" sabi ni Katara.
"Hihiramin daw po kami ng mga kapatid ko kasi ipagshoshopping kami ni Lola Ellie." sabi ni Neeya.
Napatingin si Katara sa anak habang nagluluto siya ng tanghalian nila dahil kahit ang simpleng bagay na iyon ay nalimutan niya magtira ng ulam sa mga benebenta niya sa inis na may kasama silang magkasintahan sa bahay na iyon, at sa iniisip niya na baka madumihan ang utak ng mga anak niya sa maaari o talagang gagawin ng dalawa sa loob ng kuwartong bakante na inuukopahan ng mga ito.
"Mama." mahinang sabi ni Neeya ng hindi siya sinagot ng ina dahil halatang may laman ang isip nito o may iniisip na malalim at hindi sila iyon.
"Ano ba kasi." tumatawang maarteng sabi ng tinig na lalong ikinatahimik ni Katara, samantalang napatingin naman si Neeya ng bumukas ang pintuan ng kuwarto ng tatay niya at ipinakilala nitong nobya kanina.
"Magandang tanghali po." sabi ni Neeya sa dalawa na ikinangiti ni Eye ng makita si Neeya.
Napakunot noo naman si Katara ng makita ang ngiting iyon ni Eye sa anak niya."Hello, anak." sabi ni Eye na ikinataas ng kilay ni Katara at ikinangisi ng lihim ni Amon habang pasimpleng na pinagmamasdan si Katara na kanina pa tahimik pero ang paghinga nito halatang may gustong ilabas na pagsabog.
"Hi po." nakangiting sabi ni Neeya na ikinatingin ni Katara sa anak dahil hindi naman supladita ang anak niya, katunayan malapit ito sa tao. Kung dati bugnutin nga ito tulad ni Nilesh pero mula ng hiramin ito ni Aj nag-iba ang anak niya lalo na siguro nakadagdag din ang pagtuturo ni Jamal dito kaya naman natutunan ni Neeya kung paano makitungo at magreact sa mga tao sa paligid nito.
"Ang cute mo naman, kamukha kita." sabi pa ni Eye na ikinatiim ng bagang ni Katara dahil kanina pa siya naiinis sa presensya ng babae sa harapan niya.
"Feelingerang nanay. Epal." inis na sabi ni Katara sa isip.
"Hindi po kita nanay pero okay lang kung kamukha kita, kunwari artista na lang po ako, kasi kapag artista iyong fans nila sinasabi kamukha nila ito." sabi ni Neeya na ikinamilog ng mata ni Eye.
"Huh! Fans." mahinang sabi ni Katara na napangiti sa sinabi ng anak. Nakita naman ni Eye ang reaksyon ni Katara at narinig ang mahinang sinabi nito.
"Akala niya bingi ako. Tsss! Malinaw ang pandinig ko, tsismosa ako kaya hindi ako magpapatalo sayo." sabi ni Eye sa isip sabay lapit kay Neeya.
Lumapit si Eye kay Neeya at ngumiti ito nagsalita.
"Okay lang na fans mo ako. Tutal sooner or later ang pretty na bata na ito ay magiging anak ko." sabi ni Eye na ikinapigil ng tawa ni Amon sa pang-aasar ni Eye na tila bata pa ito kumilos kay Hestia."Ikakasal na kayo ng tatay ko?" sabi ni Neeya habang nakatitig kay Eye.
"Oo baby, at ikaw ang flower girl ko. Tapos mudra ang itatawag mo sa akin." sabi ni Eye na ikinaubo ni Katara at Amon sa sinabi ni Eye.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
RomanceAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...