Kabanata 6 : Mga Luha
Agape Cruise Ship
Kinabukasan
Pinagmamasdan ni Amon ang karagatan mula sa upper deck ng cruise ship. Mula doon tanaw niya ang malawak na katubigan. Ni wala siyang natatanaw na lupa, ang lugar hindi niya rin niya matukoy kung nasaan na ang inilalayag nila at hindi rin niya alam kung hanggang kailan ang paglalayag.
Nasa ganoon senaryo si Amon ng makita naman ito ni Aj. Papasikat pa lang ang araw pero ang liwanag nito ay nagsisilbing ilaw sa malawak na karagatan na kay gandang pagmasdan bagay na para kay Aj payapa at ganoon ang gusto niya... sana....
Napakunot noo si Amon ng may maramdaman na may nakamasid sa kanya, buong araw kahapon nagparty ang lahat at sa party na iyon napakasaya, na tila walang bukas. Ang buong grupo ay isang masayang samahan pero para sa kanya pakiramdam niya hindi siya kasali sa kasiyahan. Kahit na nga ba ang lahat ay nagdiriwang, ang lahat ay kampante at ang lahat ay payapa.
"Kamusta ka?" sabi ni Aj ng makitang alam na ni Amon na may nakatingin dito.
Napangisi naman si Amon, walang tao sa lugar dahil tulog pa ang lahat kung saan madaling araw na naman natapos ang kasiyahan. Kasiyahan at pagdiriwang na hangad ng lahat, ang magarbo at ang di matapos na paglulustay ng pera ng grupo ay siyang ikinaiingitan ng lahat. Ang marangyang piging ay simbolo kung gaano sila kalakas, kaangat na walang makakapantay.
"Nasasaktan ako para sayo." sabi ni Aj na ikinatawa ng pagak ni Amon na nanatiling nakatalikod kay Aj at tinatanaw ang karagatan.
Napatitig si Aj sa nakatalikod na si Amon, na kahit nakatalikod ito tila siya pa rin ang nakikita niya o ang sarili niyang repleksiyon. Iyon nga lang, sa buong araw kahapon nakaramdam siya ng awa habang pinagmamasdan si Amon na tahimik na nakatanaw sa mga nagaganap.
Awa... na patuloy na nilalabanan ni Amon para hindi kaawaan, at isa iyong kahinaan para sa kanya.
"Tutulungan kita makabalik at makuha ang tinapon mo." sabi ni Aj na ikinangisi ni Amon saka umusal habang nakatalikod pa rin kay Aj.
"Tutulungan mo ako? Tsss! Ni hindi mo nga matulungan ang sarili mo makita at hanapin ang anak mo." mapanuyang sabi ni Amon.
"Kung nasaan man si Red alam ko kaya niya ang sarili niya dahil bilang ama niya na nagturo at naggabay sa kanya panatag pa rin ako na alam niya ang gagawin kapag wala ako, bagay na dapat mo rin gawin sa mga anak mo sa panahon na wala ka sa tabi nila." sabi ni Aj.
"Huh! Two years kang nawala so ano ito nagkunwari ka lang na apektado ka sa pagkawala ni Red habang ang lahat dinidiin ako at pati pagkamatay ng kapatid ko sa akin sinisisi.
Lahat sila tinuturo ako sa pagkawala ng anak mo at sa lahat ng kasalanan na dapat ikaw ang may sala sa akin ang bagsak." sabi ni Amon sabay tingin kay Aj.
"....anong sabi mo kanina? Dapat gawin ko rin sa anak ko, ang alin? Ang bagay na ginawa mo sa anak mo? Alin doon Aj? Ang magturo ng kasalanan mo at ipasa sa iba? Marami kang problema kaysa sa akin pero ang ginawa mo pinasa mo sa akin... lahat." sarkastikong sabi ni Amon.
"Hindi ko pinapasa sayo. Amon, kaya kong hawakan ang probema ko. Dahil alam ko kaagabay ko ang mag-iina ko. Pero ikaw wala kang kasama." sabi ni Aj.
"Hindi ako imbalido para kailangan ng tulong ng iba. Hindi ako tulad mo nagtatago ka sa likuran ng asawa at utos ni Rafael." sabi ni Amon.
"Alam kong hindi ka imbalido kundi kulang ka lang sa kalinga bagay na mahina ka. Kasi kung tutuusin, mas puno ka ng pagmamahal at atensyon ng buong pamilya natin kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETED
Roman d'amourAng pait na pinagsaluhan may matamis na bunga... Paano mo kukunin ang mga sandaling binasura mo? Date Started : May 16, 2023 Date Ended : June 24, 2023 PLAGIARISM IS A CRIME DO NOT COPY CTTO : Images, videos lyrics, music to the rightful owners Orig...