Kabanata 8 : Inspiration

854 63 54
                                    


Kabanata 8 : Inspiration

Isla Verde


"Aatras kami ng asawa ko, pero sasabihin ko sayo kadugo mo man si Nilesh sa puso niya AKO ang ama niya, bagay na hindi mo makukuha tulad ng sinasabi ko na hindi ako mawawala." sabi ni Jamal saka nito iginiya si Katara palayo kay Amon na ikinasunod ng tingin ni Amon sa mag-asawa.

Nang makaalis ang dalawa napatingin si Amon sa batang lalaking nakahimlay. Pinagmasdan ito ni Amon at ilang sandali lang ng haplusin niya ang mukha ng batang lalaki sa bukas na salamin ng ataol.

Sa paghawak ni Amon sa malamig na mukha ng batang lalaki hindi nito napigilan lumuha na ikinatingin ng lahat kay Amon.

Pagtulo lamang ng luha ang nakikita ng lahat mula kay Amon at paghaplos nito sa anak pero ang nasa isip nito hindi mabasa ng lahat dahil walang mababasang ekspresyon sa mukha ni Amon.

"Sorry." sabi ni Amon sa isip para sa anak saka ito yumuko at hinalikan sa labi ang batang lalaki, at muling umusal habang lumuluha.

"....mahal kita. Sayang hindi kita naturuan, sana katulad ka rin ni Blue... ahhh. Hindi! Hindi anak, kasi tingin ko higit ka sa kanya kasi anak kita." sabi ni Amon sa isip habang nakadikit ang mukha nito sa mukha ng batang lalaki.

"Masarap po siya yakapin." sabi ng tinig na ikinatingin ni Amon ng may magsalita.

Sa pagtingin ni Amon napakunot noo ito ng makita si Neeya.

"Ang sabi nila kapag may anak na lalaki isa itong suwerte kasi ito ang magtutuloy sa nasimulan ng ama ng pamilya.

Ang sabi ng mga classmate kong boys, kahit babae ang panganay sa pamilya nila nakapokos ang ama nila sa panganay na lalaki. Pero para sa akin, wala naman sa gender iyon siguro nasa utak lang ng kanilang mga ama. Naniniwala kasi ako, ang katungkulan ay hindi lang para sa lalaki.

Kasi nakikita ko sa paligid ko, na karamihan ng breadwinner ay BABAE, o mga baklang may pusong BABAE. Bulag ba ako? Siguro oo at hindi. Oo dahil iba ang tingin ng lahat, at hindi kasi kung may pagmamahal lahat pantay-pantay." mahabang pahayag ni Neeya na ikinatitig ni Amon sa batang babae.

"...tulad ni daddy at tulad ni Papa na hinahanap si Ate Red. Mga lalaking tanggap kung ano kami bilang babae." sabi pa ni Neeya sabay lapit sa kabaong kung saan nakatayo si Amon.

Napatingala si Neeya habang nakatingin ang lahat sa batang babae na nakatitig kay Amon.

"Masakit mawalan ng kapatid pero sabi ni Papa Aj, kailangan maging matapang ako para sa mga kapatid ko kasi panganay ako. Ang sagot ko hindi ako lalaki para maging matapang. Pero ang sabi niya, hindi ko kailangan maging lalaki para maging matapang, kasi ang kailangan pagmamahal para makita ko ang katapangan mula sa puso ko, at mula sa isip ko." napaluhang sabi ni Neeya sabay tingin kay Nilesh.

"Masakit na mawala iyong pinakamakulit kong kapatid. Alam mo po iyon, pinakamakulit pero napaka bias ko kasi pinakamahal ko siya sa mga kapatid ko, kasi pakiramdam ko kailangan niya na mas maraming pagmamahal pero wala na..... wala na siya." umiyak na sabi ni Neeya na ikinalunok ni Amon.

Akmang hahawakan ni Amon si Neeya ng bahagyang lumayo ang batang babae para tumingkayad at halikan ang mukha ni Nilesh.

"Walang papalit sayo, kahit may kamukha ka pa...... mahal kita Nilesh, mahal ka ni Ate. Pangako, babantayan ko ang mga kapatid natin." sabi ni Neeya sabay yakap sa kapatid na ikinatahimik lalo ni Amon habang nakamasid sa dalawang anak.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon