Kabanata 9 : You're the Meaning in My Life

582 54 20
                                    


Kabanata 9 : You're The Meaning in My Life

Isla Verde

Hours Later


"Saan ka pumunta?" tanong ni Katara ng dumating si Jamal.

Napatingin si Jamal sa asawa, halatang kanina pa ito naghihintay sa waiting area sa unang palapag ng condo.

"Gabi na." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal sa oras.

Napatitig si Katara kay Jamal kaninang paggising niya hindi na niya ito nakita. Tsinek niya ang cctv ng buong gusali pero wala siyang nakitang bakas nito na lumabas ito ng naturang building.

"Nagpahangin." sabi ni Jamal na ikinatiti ni Katara sa asawa.

"Jamal, saan ka dumaan?' sabi ni Katara habang nakaupo ito sa sala at si Jamal nakatayo ilang hakbang mula sa kanya.

Napangiti si Jamal saka ito lumapit at tinabihan sa sofa si Katara.

"Saan?" mahinang tanong ni Katara.

Idinikit ni Jamal ang labi sa tenga ni Katara saka umusal.

"Sa sikretong lagusan." bulong ni Jamal na ikinakunot noo ni Katara.

"Okay. So, bakit ka dumaan doon at bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam?" sabi ni Katara.

"May surpresa ako sayo." sabi ni Jamal sabay bigay ng isang envelope kay Katara.

Napatingin si Katara sa hawak ni Jamal na ngayon lang niya napansin buhat ng dumating ito.

"Ano iyan?" mahinang sabi ni Katara.

"Gift." sabi ni Jamal.

"Anong gift?" sabi ni Katara na biglang kinabahan.

"Tanggapin mo muna." sabi ni Jamal.

"Ayoko." biglang sabi ni Katara na hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya.

Napangiti si Jamal saka nito iniwas ang envelope kay Katara.

"Okay, hindi kita pipilitin tingnan mo, pero sayo ito." sabi ni Jamal saka tumayo na ikinatingin ni Katara.

"Saan ka pupunta?" sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal.

"Hahaha! Sa unit natin kasama ka." sabi ni Jamal sabay hawak sa kamay ni Katara na ikinatingin ni Katara sa asawa.

"Bakit ako kinakabahan?" sabi ni Katara sa isip.

"Halika na at sigurado hinahanap na tayo ng mga anak natin." sabi ni Jamal sabay hila ng marahan kay Katara.

"Sandali." sabi ni Katara.

"Bakit?" sabi ni Jamal.

"Hindi ka nagpaalam at pinag-alala mo ako kaya may utang ka at may parusa ka." sabi ni Katara.

"Parusa? Hahaha! Magandang parusa?" pilyong sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.

"Ahhmm." nakangiting sabi ni Katara na nalimutan at nawala ang kaninang nararamdaman kaba ng makita ang pilyong ngiti ng guwapong mukha ng asawa nito.

"Ano?" nakangiting sabi ni Jamal sabay yakap ng sa baywang ng asawa habang hawak pa rin nito ang envelope.

Napangiti si Katara saka nito niyakap ang kamay sa leeg ni Jamal.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon