Kabanata 36 : Lihim

337 47 11
                                    


Kabanata 36 : Lihim

Present Day


"Sasabihin namin ang sikreto kung bibitaw ka sa Cheung Clan." sabi ni Keon kay Amon.

"Huh! Ayoko." sabi ni Amon.


"Mamili ka ang pamilya mo o ang posisyon mo?"
sabi ni Keon.


"Pamilya? Tungkol kay Nilesh?"
sabi ni Amon.


"Sikreto."
sabi ni Keon habang nakatingin ang mga kapatid nito dito.


"Pag-iisipan ko kasi manloloko kayo kaya mahirap ng magpaloko ang tulad ko sa inyo."
sabi ni Amon.

Napatingin ang lima kay Amon saka umusal.


"Ayaw mo malaman ang sikreto?"
sabi ni Noah kay Amon.

"Malalaman ko rin." sabi ni Amon sa isip na hindi naisatinig.

Akmang magsasalita ang quintuplets ng bumukas ang pintuan na opisinang iyon.

"Gusto ko maging mabait? Paano ba maging mabait?" sabi ni Eye na ikinatingin ni Amon dito ng bumungad ito sa pintuan.

"Anong ginagawa niyan dito?" gulat na sabi ni Amon sa quintuplets.

"Grabe! Parang may sakit ako? Eh kayo nga ang humila sa pangalan ko para sa eskandalo mo." sabi ni Eye.

"Excuse me wala akong scandal." sabi ni Amon.

"Ang pagpapakasal sayo ay isang eskandalo." sabi ni Eye.

"Parang ang linis mo ha." sabi ni Amon.

Napangisi si Eye saka ito pumasok sa loob ng opisina at umupo sa sala na ikinatingin ng quintuplets sa reporter habang nakatayo pa rin ang lima.

Napatingin si Eye kay Amon saka ito napangiti. Kinuha ang sigarilyo sa bag at sinubo at muling napangiti,

"Iyong Hestia na iyon ang nagpalagay ng pangalan ko na ikakasal ako sayo, at take note sa ibang pahayagan na hindi ko pag-aari at binalita sa ibang tv station! Na nakakainis." sabi ni Eye na ikinakunot noo ni Amon


"Si Hestia?"
sabi ni Amon.


"Ayon sa nakalap kong impormasyon, ang pokos ni Aj ay nasa sayo kaya hindi nito mahanap si Red hanggang ngayon. Kaya naman si Hestia ang gumagawa ng paraan para naman alisin lahat ng sagabal sa utak ni Aj. Na siyang ginagawa naman ni Aj sa inyong grupo.

Ayon sa report mula sa palasyo, mula ng maupo si Hestia hindi ito sumusunod kay Aj. Gumagawa ito ng plano ayon sa kagustuhan nito. At isa sa mga ginagawa ni Hestia ay makuha ng buo ang atensyon ng asawa nito na si Aj .

Kaya naman uli naisipan ni Hestia na siya na ang gagawa ng solusyon sa bagay, sitwasyon at problema na nakaharang sa kanila ni Aj at kasama ka doon. I mean ikaw ang top one na nakaharang kay Hestia.


So, ayon sa report para matapos ang problema ni AJ sayo, binabalik ng reyna si Ministro Jamal sa palasyo at kukunin nito ang mag-iina nito para wala ng gulo. At ikaw na top one ay ipapakasal sa akin ng reynang iyon para matahimik daw ako at tayong dalawa ang magsabong."
sabi ni Eye na ikinangisi ni Amon.

"Nice, reporter nga kompleto parang nasa harap lang ng camera." sabi ni Allen ng makuha magreport ni Eye at napahanga sila sa dating nito sa ganoong awra.

"Ang galing ng informant mo? Sino iyon? Sino ang espiya mo na siyang traydor?" sabi ni Amon.


"Hahahaha! Si Hestia."
sabi ni Eye na ikinailing ng quintuplets na ikinakunot noo ni Amon.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon