Chapter 3

132 4 1
                                    

Ciela's POV

I tried finding Frank in the midst of the crowd. Nanlumo ako ng hindi siya makita.

"Hinahanap mo 'no?" natatawang sambit ni Kevin.

"Hindi ah!" depensa ko.

"Okay, sabi mo eh." makahulugang sabi niya bago umalis. 

Napalabi ako sa kanyang sinabi. I flinched when Kevin held my hand before dragging me to the canteen.

"Wala sina Joy sa room, nasa canteen daw sila. Ayaw kita ewan mag isa dun kaya sumama kana sa amin. Friends naman tayo." sabi niya na nagpatigil sa akin.

We're friends? It's kinda sweet knowing they thought of me as a friend, kahit na I don't think of them the same way. Just classmates. 

Nadia and Erora are my friends.

"Oh bakla buti kasama mo si Lavy. Can we call you lavy?" mahinang tanong ni Clarisse sa akin.

No one called me in that specific nickname though. Tutal wala naman pumayag nalang ako.

Kevin made me sit beside Gwy and siya sa tabi ko. Freia is infront of me and Clarisse and Joy were on her side. Yung iba wala dito. Sabi nila umabsent daw. 

Tinignan ko sila ng biglang tumayo. "Tara, order tayo." pagyayaya ni Joy na ikinatango nila.

I looked down when they all looked at my direction. "Hindi ka kakain?" tanong ni Joy.

Napailing ako. May bibilhin kasi ako na gamit at nahihiya ako manghingi kay tita so iniipon ko muna ang pera ko. 

Nagtinginan sila bago umalis. Napabuntong hininga ako. I'm used to this. Everytime kakain kami sa labas nila Nadia at kulang pera ko, they would just let me die in hunger. 

Well I understand naman. Mahirap kasi magearn ng pera sa mga panahon ngayon, at baka nung time na 'yun is wala silang extra na money at ginugutom masyado. Alam ko deep inside gusto nila magbigay kaso masyadong ginugutom at kulang lang pera nila.

Its okay.

Nagulat ako ng biglaang may naglapag ng isang box of grape juice at burger sa harap ko. Nagtaas ako ng tingin upang makita kung saan nanggaling ang pagkain pero naka pulang hoodie na mabilis naglalakad palayo na bulto ang nakita ko. 

Sinubukan ko na habulin ito pero dumating na ang mga classmate ko. 

"Akala ko ba hindi ka kakain? Eh ano 'yan?" turo ni Kevin sa pagkain na nasa harapan ko.

"Hindi naman talaga. May nagbigay lang at mabilis na umalis." sabi ko.

"Sanaol. Anyway here, binili kita nito. Akala ko kasi wala kang kakainin baka mamatay ka sa gutom niyan." nakangiting sabi ni Joy bago nagbigay ng cheese and ham sandwich. 

"P-para sa akin?" hindi makapaniwalang sabi ko na ikinatango nila.

I smiled at them brightly. "Smile more often, it suits you." sabi ni Gwy na ikina pula ng pisnge ko. 

They're sweet.

We ate and laughedwhile telling each other stories. Nakatingin at nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa. They accompany me throughout the break.

"Ciela pwede ba pacopy ng assignmet mo? Magkagroupo naman tayo eh, sige please nakalimutan ko gawin eh." one of my seatmate asked me.

Hindi ba't unfar 'yun? I spent all night searching and learning about the lesson para may masagot sa assignment namin. 

I felt hesitant to accept her offer. Unfair kasi eh, I worked hard for it tapos siya gagayahin lang. Paano kung mapansin ni ma'am edi baka isipin na ako 'yung nanggaya at paggalitan kami. 

I badly want to decline and said 'no' to her pero baka ako ang sisihin niya kapag paggalitan siya ni ma'am dahil wala siyang assignment. Baka magalit siya sa akin.

"Uhm..." napalunok ako.

"Si-" nagulat ako ng biglang sumulpot si Freia sa harapan namin at kinuha ang nakabang na notebook ng seatmate ko.

"Tanga ka ba? Hindi ka nagassignment tapos mangongopya ka kay Ciela? Gaga pinaghirapan niya ang sagot niya tapos gagayahin mo? Who knows if dagdagan mo pa edi mas maycredits ka kaysa kay Ciela." mariing sabi ni  Freia sa kaklase namin.

Napabalig siya sa akin at ngumiti. "Wag mo siyang pakopyahin. Pinaghirapan mo 'yan eh." aniya na ikinatango ko.

The girl just rolled her eyes at us bago padabog na hinablot ang notebook niya at umalis. 

"Paano kung magalit siya sa akin?" mahinang bulong ko.

"Edi magalit siya. Tsaka hindi mo naman siya kaano ano eh, wag mo masyadong dibdibin. Masama ugali nun. Pabigat lang 'yan sa groupo eh tapos hindi pa nagcocompile ng requirements." sabi niya.

"I know that kindness is always free but that doesn't mean all people deserves it. Minsan inaabuso nila ito o gagamitin laban sa'yo. Sometimes we need to be selfish for our own sake."

"We need to learn when to stand our ground. Be firm and direct when necessary. Don't let yourself be taken advantage of." she reminded me.

"Tsaka nakita ko siya kagabi nag iinom sa kanto. Hindi accident ang hindi paggawa niya ng assignment. Ginusto niya 'yun. Mabuti sana if valid yung reason niya pero nakapag inom pero hindi nakagawa ng assignment, parang tanga lang." pagpapatuloy pa niya na ikinatango ko. 

Her words kinda alligned to Nadia. I shook my head to get ayaw the negative thoughts. Nadia needed a rewind that time. 

Pilit akong napangiti kay Freia. She defended me. She smiled back at me showing her nice perfect teeth.

Nag iwas ako ng tingin at napabaling sa labas.

Nanlaki ang mata ko ng mapansing nakatingin si Frank sa akin.

Not sure kung sa akin pero nakatingin siya sa direction ko.

Bakit siya nakatingin dito? Hinahanap niya ba ako? Omg?!

I bit my lips to stop myself grinning. My organs were crazy dancing inside as my heart leaped when our gazes met.

This way, I could stare at his face more clearly.

His jaw became more defined, his fluffy hair dancing in the wind, pinkish kissable lips, long and high slim nose, thick brows and glimmering eyes.

He crossed his arms showing his biceps and triceps. Napaayos siya ng tayo at sumandal sa wall, not breaking our contact.

He tilted his head while staring right back at me that made my heart go crazy.

I could feel my cheeks burning. As I forced myself to not smile at him.

It took minutes before he left. And I was stunned. What the fuck did just happened?!

"Oh baka matunaw 'yan." nagulat ako ng biglang nagsalita si Kevin habang nakangisi.

"Ako 'yung natunaw," mahinang bulong ko sa sarili.

You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓ Where stories live. Discover now