Ciela's POV
"Ginugutom na ako," reklamo ni Aizie.
"Beh palagi ka namang gutom," sabi sa kanya ni Clarisse.
Mukha na kaming lantang gulay na nakaupo sa mga benches dito sa mall. Nag iisip kung saan kami kakain.
"Lord, please umulan po ng pagkain," naiiyak na sambit ni Freia na mukhang lantang gulay.
Mukha na siyang lantang gulay.
"Sa Cabalen tayo, it's on me." biglaang sabi ni Lei na ikinahiyaw ng lahat.
"Nabubuhayan talaga loob ko kapag usapang pagkain!" malakas na tili ni Freia.
"Eat all you can diba 'yun?!"
"Mapaparami ata kain ko!"
"Mukbangan na this!"
Pagdating namin dun agad na nangunahan sa pagpila si Freia.
"Gago ka beh, dahan dahan mukha tuloy tayong patay gutom dito." suway sa kanya ni Joy.
"Bakit hindi naman nila tayo kilala ah, tsaka nagbayad na si Lei duh!" singhal pabalik ni Freia.
Agad na sumunod ang iba bago umupo sa mahabang table na nakareserve para sa amin.
Akala ko ako yung kukuha ng pagkain ko pero laking gulat ko ng makita ang plato na inilahad sa akin ni Lei.
"Your food," sabi niya ng mapansing nakatitig lang ako sa platong nakalahad niya.
I smiled when I saw my favorites. Adobong baboy, pork steak, rice na may sabaw ng adobong baboy, grilled chicken, at fried chicken. May side dish pa na strawberry!
"It's your favorites, diba?" he asked.
"Yes! How did you knew?" tanong ko.
"I often observe you eating those sa canteen at school. So i assume na favorites mo sila," casual na sabi niya.
"You observe my actions?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, it's a common thing when you're inlove," aniya bago kumindat sa akin.
"Mamaya na po landian, excuse me kakain pa kami." pagpaparinig ni Kevin.
I smiled. I could feel my heart jumping in joy as I feel appreciated knowing that he is paying attention to my preferences and actions.
"Bwesit ka James!" napatawa si James ng pilit siyang pinapalo ni Gwy.
Mukhang kumukuha si James ng mga stolen shots habang kumakain at sakto nakuhanan niya si Gwy.
"Coke!" sabi ni Kevin habang humahawak sa dibdib niya at umuubo. Hinihimas himas niya pa ang dibdib niya kunwareng nabubulunan pero nakangisi.
"C-coke!" sabay sa kanya ni Aizie.
"Waiter, Coke please," sabi ni Lei na nasa likod ko.
Nahuli kong nagapir si Kevin at Aizie habang tumatawa.
"Huy dahan dahan naman kayo sa pagkain!" suway ni Freia na nagpa ohh sa lahat.
"Nagsalita," sabi ni Jineinna.
"Kwento mo sa mama mo," sabi sa kanya ni Ian.
"Huy gago wala siyang mama!" sabi ni Rose na ikinatawa namin.
"Tanginanyo ha, ito kayo oh," pinakyuhan niya si Rose at Ian.
"Huy may pagkain!" sabi ni Ariane.
Sumasakit na ulo ko sa kanila. Mukha silang mga grade 1 na mga bata kung magbardagulan.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...