Ciela's POV
"Grabe naman, kawawa 'yung bata." naiiyak na sambit ni Freia pagdating ko sa room.
"Ciela narinig mo na ba 'yung aksidente kahapon?" tanong sa akin ni Kevin na ikinailing ko.
"Hindi, bakit anong nangyari?"
"Nagkaroon ng shooting sa isang highschool campus sa kabilang bayan. Private school daw ng mayayaman, tapos isang batang babae ang namatay." mahinang bulong ni Ariane na ikinatango ni Kevin.
"Kawawa naman siguro 'yung ate niya 'no? Siya palagi nag aalaga nun eh." si Rose.
"Bakit sino ba ang ate nun?" nagtatakang tanong ni Aizie.
"Nakalimutan ko na eh." napakamot sa ulo si Rose.
Napatango nalang ako sa sinasabi nila. Kawawa nga yung ate at pamilya ng bata.
Napatigil kami ng biglang nagsilabasan ang mga kaklase namin at dumugaw sa field.
"Dahan dahan naman! Nakaka bangga kayo ha!" reklamo ni Joy pero hindi siya pinansin.
Nagkatinginan muna kaming magkakaibigan bago lumabas upang tignan kung anong nangyayari.
"Sino 'yan?" tanong ko ng makita ang isang babaeng bumababa sa mamahaling kotse at nakadamit ng pangmayaman.
"Hala!" malakas na tili ni Rose na ikinalingon namin sa kanya.
"Siya yung sikat na model sa internet! Si Lavena Reverie!" tili niya pa.
Pangalan palang mayaman na!
When she stepped out of the car at tinanggal ang kanyang sunglasses lahat kami nahigit ang hininga ng makita ang kanyang mukha.
She looked like aphrodite's daughter! Like a living goddess.
"Siguro ng umulan ng kagandahan nagswiswimming siya." sabi ni Gwy na ikinatango namin.
She looked like a newborn baby with her flawless white skin. She's also tall, makes sense since she is a model.
"Tngina ang ganda niya." mahinang bulong ni Ian.
"Nakakaaddict ang kagandahan niya bro, parang lason na paulit ulit ko na iinumin para lang makita!" wala sa sariling sambit ng isa ko pa na kaklase.
Indeed she is a beauty.
Natigilan ako ng makitang lumalapit sa kanya si Lei.
"Si Lei? Bat lumalapit? Baka girlfriend?" tanong ni Joy.
Mas lalo akong natigilan ng hinalikan ng Lavena ang pisnge ni Lei at tumawa pa yung gago na parang nakikiliti.
Parang gusto ata niya matanggalan ng ngipin para hindi na siya makangiti.
Naguusap sila ng kung ano at kalaunan tatawa rin. Curious na tuloy ako kung ano pinaguusapan nila.
Suddenly I felt a pang of jealousy inside my chest as I see Lei smiling at Lavena. Looking as if she is a part of his life.
Then I realized this is how I felt everytime I see Frank with his girlfriend around the campus.
But why the hell am I jealous at him? Do I like him? Maybe? Oo?
Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Hanggang sa umalis na si Lavena at pumasok na sa kanya kanyang room ang mga students.
Lumilipad pa din utak ko kung pagmamahal ba 'tong nararamdaman ko para kay Lei.
Natatakot ako na baka maulit muli ang nangyari sa akin at sa pagmamahal ko dati kay Frank.
"Joy, paano mo malalaman kung naiinlove ka?" wala sa sariling tanong ko. I just want to clarify if my feelings were deep love or just infatuation.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...